DATING BOC OFFICIAL AT ANG LARGE-SCALE ESTAFA

BAGWIS

Iba rin umano itong si Jervino Maglunob, dating Chief-of-Staff ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement Group, dahil habang nag-e-enjoy umano sa masarap na buhay sa nabiling farm sa lalawigan ng Laguna ay halos hindi naman magkandaugaga sa paghahanapbuhay ang negosyante na inutangan umano nito ng tumatagin­ting na P13 milyon. Pagkatapos umanong lapitan ni Maglunob ang negosyanteng si Bernie Miaque upang maglabas ito ng P13 milyon para pondohan ang kanyang negosyo ay tila nagkaamnesiya na umano ito. Ang masaklap ay hiniram lang din ni Miaque sa mga kamag-anak ang malaking parte…

Read More

HINDI ADVANCE MAG-ISIP ANG MANILA WATER AT MAYNILAD

BAGWIS

KAPAG pamilyar ka sa bayan ng Singapore ay tiyak na batid mong malaki rin ang suliranin nito pagda-ting sa malinis at maiinom na tubig. Tubig-alat kasi ang nakukuha mula sa ilalim ng lupa nito at wala naman itong mga malalaking mga lawa na maaaring pagkunan ng tubig-tabang. Noong napadpad tayo sa bansang ito halos dalawang dekada na ang nakakalipas, napag-alaman natin na mala­king bahagi ng pangangailangan nito sa tubig ay sinusuplayan pa ng kalapit nitong Malaysia. Ang tanong eh bakit mula noon hanggang ngayon ay hindi natin nababalitaan na nagkakaroon…

Read More

PRANGKISA NG MANILA WATER BAWIIN

BAGWIS

Dati-rati ay naiinis ako dahil sa mga ginagawang paghuhukay ng Maynilad sa aming lugar. Sa katunayan, isang kanto mula sa amin ay mga ginagawang “systems upgrade” ng Maynilad na nagiging sanhi ngayon ng traffic sa aming lugar. Ngunit nitong mga nagdaang araw ay napagtanto natin na tama ang ginagawa ng Maynilad. Hindi na nito hinintay na magkaroon ng krisis sa tubig ang aming lugar bago pa ito kumilos upang isaayos ang mga linya ng tubig at maglagay ng mga imbakan. Ito ang naging problema ng Manila Water. Inuna nitong inintindi…

Read More

BUTAS SA ANTI-MONEY LAUNDERING LAW

BAGWIS

BAGAMA’T nakasaad sa ating Konstitusyon ang tinatawag na “freedom of religion” o ang kalayaang mamili ng ating pinapaniwalaang relihiyon, tila nagagamit naman ito sa mga kalokohan. Naalala ko tuloy na kapag minsan ay nababanggit na kapag gusto mo talagang yu­maman na walang binabayarang buwis ay magtayo ka ng relihiyon at tila ‘yan na nga ang ginagawa ng ilang mga diumano’y sugo o kaya ay anak ng Diyos. Ayaw nating pag-usapan kung alin ang tamang relihiyon dahil mas mahalaga sa atin kung tamang pakikipagkapwa-tao kesa sa pagiging relihiyoso. Ang gusto nating…

Read More

SEC UMAKSYON NA LABAN SA KAPA

BAGWIS

MATAPOS nating ibunyag ang kalokohan ng KAPA Community Ministry International Inc., na siyang lumalaganap ngayon na malaking pyramiding scam sa Mindanao,  dumagsa ang napakaraming impormasyon tungkol sa natu­rang grupo. Nalaman natin na maliban sa maraming estafa case na isinampa laban sa founder nitong si Joe Apolinario sa bayan ng Bislig, may mga lumabas na rin palang mga kautusan upang ito ay tuluyan nang buwagin. Batay sa ipinalabas na desisyon ng Commission en Banc ng Securities and Exchange Commission (SEC) noong February 21, 2019, inutusan nito ang KAPA na itigil na…

Read More

SI DATING DILG SECRETARY SARMIENTO AT ANG BAGONG CORPORATE CODE

BAGWIS

MEDYO matagal na ring hindi kami nagkakahuntahan ng ating kaibigang si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na siyang natatangi sa mga Aquino cabinet officials na walang kontrobersiya na kinasangkutan. Sa dami ng mga kapalpakan ng Aquino government ay bukod-tanging si Boss Mel lang siguro ang puro positibo ang naging kontribusyon sa bayan. Noong Miyerkoles ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makakwentuhan nang medyo matagal si Sec. Mel at ipinabatid nito ang lubusang pagkagalak sa pagsasabatas ng mga amiyenda sa umiiral na Corporate Code. Si Sec. Mel kasi ang orihinal…

Read More

BAGUHIN ANG PATAKARAN SA ‘PETTY CRIMES’

BAGWIS

Kamakailan ay nagtangkang magnakaw ng mamahaling bisikleta ng ating mayamang kaibigang sa kanyang paboritong training ground sa Mall of Asia (MOA). Sa kabutihang palad ay may nakakita agad sa damuhong kawatan at agad itong nasakote bago pa niya tuluyang matangay ang napakamahal at napakagandang bisikleta. Kalaboso agad ang salarin at sa tulong ng mga sekyu at mga  siklistang tambay sa MOA ay nadala agad ito sa himpilan ng pulisya. Agad ding sinampahan ng kaso sa piskalya ang suspek. Okay na sana ang lahat dahil nakahanda naman ang aking kaibigan na ituloy…

Read More

WALANG SILBI ANG GUN BAN

BAGWIS

Sa kabila ng umiiral na election gun ban,  tila lalong dumarami ang mga nagaganap na patayan. Lalo pa nga yatang nagiging mas mapangahas at mas brutal ang mga kriminal at mas lalong wala na silang kinakatakutan. Kailan lang  ay dalawang katao ang patay matapos silang pagbabarilin habang nakasakay sa van sa kahabaan ng EDSA. Sunud-sunod din ang mga pagpatay ng mga opisyal ng barangay sa Lungsod ng Maynila at sa iba pang mga lugar. Mukhang nagkakaroon na nga ng pattern ang mga patayang nagaganap sa Tondo dahil halos lahat ng…

Read More

DELUBYO SA CABIAO

BAGWIS

NITONG nakaraang linggo ay mukhang nasobrahan sa ganda ng gising itong si Cabiao Mayor Ramil Bustamante Rivera ng Nueva Ecija kaya’t naisipan niyang magpasiklab sa kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng isang parada. Tiyempo namang napadaan tayo sa kanyang lugar pabalik ng Maynila at dito tayo inabutan ng delubyo. Nang dahil sa parada ni Mayor Rivera, daan-daang motorista ang naburo sa daan sa sobrang traffic. Ang mga bus na dumadaan doon ay napilitang tumambay na lang ng ilang oras dahil wala silang madaanan. Wala namang masama sa mga ganitong parada…

Read More