BOC TUTOK PA VS. ASF CONTAMINATED MEAT PRODUCTS

BOC VS CONTAMINATED MEAT PRODUCTS

NANANATILI  ang mahigpit na pagbabantay  ng Bureau of Customs (BOC) sa lahat ng paliparan at puerto sa buong bansa laban sa pagpasok ng mga karneng pinaghihinalaang kontaminado ng African Swine Fever (ASF). Matatandaang nauna nang nagpalabas ng memorandum ang BOC Manila na may petsang Agosto 27 na nagbigay direktiba sa lahat ng district collectors, sub-port collectors, at iba pang kinauukulang ahensiya para tutukan ang pagpasok ng mga karneng kontaminado ng ASF. Pirmado ang nasabing  memorandum ni BOC Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group Atty. Edward James By Buco.…

Read More

BORDER SECURITY HINIGPITAN PA NG BOC

X-RAY MACHINE

X-ray machines dinagdagan (Ni JOEL O. AMONGO) Lalo pang hinigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang border security sa buong bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng mas maraming x-ray scanners machines sa Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Port of Davao at Port of Cebu kamakailan. Nitong nagdaang  Set­yembre 24, dalawang x-ray machines ang inilagay sa BOC-POM. Una nang bumili ang BOC  ng anim na upgraded x-ray machines mula sa Astrophysics Inc., isang US company based sa Southern California. Layunin ng ahensya, na matupad ang kanilang planong…

Read More

BOC HUMINGI NG PANG-UNAWA SA STAKEHOLDERS SA PAGKAANTALA NG ACCREDITATION

BOC-STAKEHOLDERS

Humingi ng pang-unawa ang Bureau of Customs (BOC) sa stakeholders dahil sa bahagyang pagkaabala sa proseso ng kanilang accreditation. Sa kasalukuyan, ang BOC ay patuloy ang  pagpapaganda ng sistema at pro­seso para sa kanilang stakeholders at partners. Partikular na ang pagpapabilis sa proseso ng lahat ng mga nakabinbin na aplikas­yon  sa kanilang tanggapan. Nakatakdang umalalay ang BOC-Public Information and Assistance Division (PIAD) sa mga nangangailangan partikular sa kanilang stakeholders at partners ng Customs. Nauna nang ipinatupad ng Customs ang moder­nisasyon para makapagbigay ng mataas na kalidad na serbisyo sa kanilang…

Read More

MANDATORY X-RAY SA CONTAINERIZED CARGOES HINIGPITAN NG BOC

CONTAINERIZED CARGOES

(Ni BOY ANACTA) Mas lalo pang hi­nigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang implementasyon ng mandatory x-ray sa lahat ng containerized cargoes na papunta sa mga Customs Bonded Warehouses (CBWs). Sa inilabas ni BOC Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero na memorandum na may petsang Setyembre 12, mahigpit nitong iniutos  ang mandatory x-ray examination sa nasabing mga kargamento. Suhestiyon ito ng Assessment and Operations Coordination Group sa pamamagitan ni  Deputy Commissioner Atty. James Dy Buco bilang karagdagang  hakbang upang masugpo ang smuggling activities. Ayon kay Dy Buco, bagama’t ang imported  containerized cargoes …

Read More

BOC NAGDAOS NG 2-DAY STRATEGY FORMULATION ACTIVITY

2-DAY STRATEGY FORMULATION ACTIVITY

Para magkaroon ng mataas at de-kalidad na serbisyo Sa layong magkaroon  ng mataas at de-kalidad na serbisyo, nagsagawa ng ‘2-day strategy formulation activity’ ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark, Angeles City, Pampanga kamakailan. Ang aktibidad na isinagawa nitong nakaraang  Setyembre  5 hanggang 6, 2019 sa Lewis Grand Hotel, Pampanga ay bahagi ng  strategic planning ng ahensya na nakapaloob sa  10-point priority program nito. Kabilang sa mga dumalo sa sesyon ay ang Customs Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors at iba pang key officers ng ahensya. Nagsilbing …

Read More

REGULATED IMPORT PRODUCTS LIST INILABAS NA NG BOC

BOC-12

Inilabas na ng Bureau of Customs (BOC) ang listahan ng regulated import products na tinagurian bilang ‘Regulated Importables’. Kabilang sa mga ito ay ang live plants, live animals, used left hand drive automobiles, used left hand drive trucks and buses, cigars, cigarettes, e-cigarettes at e-liquid. Dahil dito, kinakailangan umanong mayroong import permit/clearance ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC), Authority To Release Imported Goods (ATRIG), Certificate of Authority to Import (CAI) at Import Commodity Clearance (ICC) ang mga nabanggit na produkto bago makapasok sa bansa. Ang mga regulating agency na…

Read More

BILYONG HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NASABAT NG BOC

BOC-DRUGS

Umabot na sa bilyun-bilyong pisong halaga ng iba’t ibang illegal drugs ang nasabat ng Bureau of Cus-toms (BOC) sa loob lamang ng anim na buwan kasabay ng pinaigting nitong kampanya kontra  ipinagbabawal na gamot. Batay sa ulat ng BOC, mula  Enero hanggang Hunyo  2019, sa ilalim ng pamumuno ni  Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ay nakasabat sila ng kabuuang  P2,966,500,000.00 halaga ng shabu at P145,482,800.00 kabuuang halaga naman  ng marijuana, cocaine, at party drugs. Samantala, mula Marso 2018 hanggang Agosto 2019, nasabat din ng Customs-NAIA  ang 67.13-kilo ng shabu na…

Read More

94 BAGO, PROMOTED NA EMPLEYADO NG BOC NANUMPA NA

BOC

Pormal nang nanumpa ang 94 bagong tanggap at promoted na empleyado ng Bureau of Customs (BOC)  kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero nitong nakaraang Set­yembre 2, 2019 sa OCOM Ground, BOC Compound, Gate 3, South Harbor, Port Area, Manila. Ang nasabing bago at promoted na empleyado ng ahensya ay bahagi pa rin  ng Bureau of Customs ‘10-Point Priority Program’ nito. Kabilang sa mga posisyon na nilagyan ay ang 41 Administrative Aid; 5 Assistant Customs Operations Officer; 6 Computer Operator II; 1 Computer File Librarian III; 12 Customs Operations Officer I;  3…

Read More

2 EXTORTIONIST ARESTADO SA BOC

extortion-2

(Ni JOEL O. AMONGO) Arestado sa Bureau of Customs (BOC) ang dalawang lalaki matapos mangolekta umano ng pera mula sa stakehol­ders ng ahensya nitong nakaraang Setyembre 2. Nakilala ang mga nadakip na sina Gerardo Bundalian a.k.a Jerry at Noel Panganiban. Ayon kay Deputy Commissioner Raniel Ramiro ng BOC-Intelligence Group (IG), bago naaresto ang da­lawa ay may ulat na nakarating sa ahensya na mayroon umanong na­ngongolekta at nanloloko sa BOC stakeholders, na nagsasabing sila ay nagtatrabaho sa ilalim ng IG. Nanghihingi umano ng  pera  ang nagsasabing taga-IG personnel sa consignee Moriel.…

Read More