HINDI NAUUBOS ANG DROGA

DPA

ANG lalakas ng loob ng ilang kababayan natin na pumasok sa ilegal na droga kahit alam nilang seryoso ang gobyerno sa war on drugs, patunay dito ang halos araw-araw na accomplishment ng mga awtoridad. Palaki na rin nang palaki ang mga nahuhuling droga sa mga suspek na isang patunay na marami pa ring nakakalat na ilegal na droga sa bansa hindi tulad noong simulan ang giyerang ito, pa-sachet sachet lang. Hindi ko alam kung talagang wala lang mahanap na trabaho ang mga taong ito o gustong maging bigtime agad, kaya…

Read More

PINOY TALO SA PRIVATIZATION AT LIBERALIZATION

DPA

Talung-talo tayo sa privatization at liberalization program ng gobyerno mula noong 1997 dahil imbes na gumanda ang buhay ng mga tao at umayos ang serbisyo tulad ng ipinangako ng gobyerno, noon hanggang ngayon ay hindi ito nangyari. Unang isinapribado ang water service noong 1997 dahil sa water crisis na naranasan ng bansa noong 1995 kaya ibinigay sa pribadong negosyante ang serbisyo sa pangakong gaganda ang serbisyo ng tubig at tiniyak din na hindi magkakaroon ng krisis. Pero ang nangyari, nitong Marso, nakaranas ng water interruption sa supply ng tubig ang…

Read More

SIYENSA AT MATEMATIKA DAPAT ITURO SA FILIPINO, HINDI INGLES

DPA

HINDI na ako nagtaka sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) na ang mga kabataan natin na pag-asa pa man din ng bayan ay nangulelat sa reading comprehension, science at matematika sa 79 bansang sumali. Papaanong hindi ito nakapagtataka, hirap ang teachers na turuan ang mga napakaraming estudyante sa isang silid-aralan. Noong panahon namin, marami na ang 25 estudyante sa isang klase pero ngayon 40 hanggang 50. Kahit ano’ng galing ng isang guro ay hindi nito matutukan ang ganitong napakaraming estudyante at bukod pa d’yan ay ipinapagawa sa…

Read More

EPEKTO NG TRAPIK SA MGA TAO

DPA

KUNG mayroong nakamamatay ngayon sa Metro Manila ito ay ang trapik na nararanasan ng lahat ng mga tao, may sasakyan man o commuters, kaya ang tanong ng lahat, “kailan ito matatapos”? Base sa medical experts, maraming ibinubungang sakit ang stress sa trapik tulad ng high blood, sakit sa pantog o bato dahil pinipiligan mo ang iyong pag-ihi kapag nasa gitna ka ng kalsada. Marami na rin sa ating mga kababayan ang kulang na kulang sa tulog dahil kailangan nilang magising nang maaga upang maagang makaalis at hindi ma-late sa trabaho,…

Read More

TAPUSIN MUNA ANG SEA GAMES

DPA

MAGSISIMULA?na ngayong araw na ito, Nobyembre 30, ang 30th Southeast Asian Games kung saan 58 na sports ang lalahukan ng 11 bansa para malaman kung sino ang pinakamagaga­ling na mga atleta rito. Kaisa tayo sa pana­langin sa tagumpay ng ating mga atleta at maulit na ma­nguna muli tayo sa paghakot ng mga medalya tulad ng nangyari noong 1991 kung saan ang Pilipinas ang may pikamaraming gold medals. Huling?nag-host?ang Pilipinas ng SEA Games (23rd) noong 2005 at matapos ang 14 taon ay tayo muli?ang?punong-abala sa pinakamalaking sports event sa rehiyon na…

Read More

BAKIT WALANG TIWALA ANG PINOY SA CHINA?

DPA

Hindi ko masisisi ang mga Filipino kung walang tiwala ang mga ito sa China kumpara sa ibang bansa tulad ng Amerika dahil sa masamang karanasan natin sa bansang ito lalo na sa West Philippine Sea (WPS). Wala pang survey na nagsasabi na tiwalang-tiwala ang mga Filipino sa mga Intsik. Sino bang lahi ang hindi papalag kung harap-harapang inaangkin ang inyong teritoryo ng tulad ng ginagawa ng China sa mga teritoryo sa WPS. Malinaw na malinaw sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na pag-aari natin ang…

Read More

NAPABAYAAN NG GOBYERNO

DPA

ISA sa malapit sa puso ko ay ang pagsasaka dahil nagkaisip ako sa probinsya (sasabihin ko sana lumaki pero hindi naman ako masyadong lumaki) kung saan ang pangunahing hanapbuhay ay nasa bukid. Mula nang magkaisip ako, wala akong nakitang magsasaka na umasenso maliban lang doon sa mga may malalawak na sakahan kaya maraming kabataan o halos lahat na ng kabataan ngayon ay walang planong sundan ang kanilang magulang sa pagsasaka. Hindi ko masisisi ang mga kabataan kung aayawan nila ang bukid dahil nakikita nila ang hirap sa pagsasaka at pagkatapos…

Read More

SOCIAL MEDIA ANG MAY SALA

DPA

MULA nang nauso ang makabagong teknolohiya kasabay ng pagsulpot ng internet, napagaan ang buhay ng mga tao pagdating sa komunikasyon at malaki ang naitulong din nito sa negosyo at sa lahat ng sektor ng lipunan. ‘Yung mga dating nag-uusap lang sa pamamagitan ng sulat na dalawang linggong inaabangan ang pagdating ng mga nagdadala ng sulat sa bahay mo ay pwede nang mag-usap sa pamamagitan ng smart phone basta may data lang. Ang overseas Filipino workers (OFWs) na hindi nakakausap ang kanilang pamilya kung hindi tatawag ay maaari na silang mag-usap nang live…

Read More