ELECTRONIC WASTE MULA SA SOKOR IPABABALIK NG BOC

ELECTRONIC WASTE

(Ni BOY ANACTA) ISANG malalimang imbestigasyon ang isasagawa ng Bureau of Customs (BOC)  upang matukoy kung sinu-sino ang sangkot sa importasyon ng electronic waste mula South Korea. Iniutos ni Commissioner Leonardo Rey Guerrero, ang malawakang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable  sa importasyon ng 40-footer container na naglalaman ng iba’t ibang electronic waste. Kasama ang Environmental Protection and Compliance Division, inins­peksyon ng BOC-Manila International Container Port (MICP) ang kargamento noong Nobyembre 21. Ang kargamento ay nakapangalan sa Vision Restore and Equipment Corp. na dumaong sa MICP noong Nobyembre 6. Sa ulat ng BOC, idineklara ng nagpadala na ang mga laman…

Read More