ESPEJO ‘BEST PLAYER’ SA THAI LEAGUE

Marck Espejo

PINATUNAYAN ni Marck Espejo na hindi nagkamali ang Visakha Volleyball Club sa pagkuha sa kanya nang pangunahan ang team sa panalo kontra Prince Finance, 25-22, 25-21, 18-25, 25-22 noong Linggo sa Thailand Volleyball League. Nagposte si Espejo ng 23 points kasama ang 20 attacks, 2 blocks at isang ace sa naturang laro kung saan hinirang siyang “best player of the game.” Nangako ang five-time UAAP MVP sa isang TV interview dito, mas paghuhusayan pa niya ang laro para sa kanyang bagong team. “We started slow that’s why the game was…

Read More