(Ni: NELSON S. BADILLA) SI Lt. Gen. Camilo Prancatius Cascolan ba ang dapat managot sa Quezon City – Regional Trial Court (QC-RTC) hinggil sa pagpapalaya kay Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog noong Nobyembre 2018 nang walang pahintulot ang korte? Biglang naging mainit na paksa sa Camp Crame ang posibleng papel ni Cascolan sa anomalya hinggil sa pagpapalabas kay Parojinog noong Nobyembre 12, 2018 mula sa Philippine National Police-Custodial Center (PNP-CC) sa Camp Crame dahil si Cascolan ay The Chief Directorial Staff (TCDS) ng pambansang pulisya sa nasabing petsa.…
Read More