IBOYKOT ANG CHAMPION, HANA AT CALLA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kamakalawa, Hulyo 2, ay nag­hain ng mga panukalang resolusyon ang Makabayan bloc sa Kongreso upang imbestigahan ang nangyaring madugong dispersal, paglabag sa labor code, at iba pang pagsaling sa karapatan ng mga manggagawa ng Peerless Manufacturing Corporation o Pepmaco. Ang Pepmaco ay ang kompanyang gumagawa ng sabon tulad ng Champion, Hana, at Calla na may pabrika sa Canlubang, Laguna. Iniangal ng mga manggagawa ang labor-only contracting sa kanilang hanay, mahahabang oras ng trabaho, at sa paglabag ng kompanya sa safety standards. Kaya naman nagsagawa ng strike ang mga manggagawa. Ngunit,…

Read More

ILABAS ANG ‘FISHING DEALS’ SA CHINA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Tumingkad ang usapin ng pagpasok at pangi­ngisda ng China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas matapos banggain ng Chinese vessel ang isang bangkang Filipino na F/B Gem-Ver sa Recto Bank noong unang bahagi ng Hunyo, 2019. Galit ang maraming Filipino sa pagbangga sa ating mga kababayan, lalo na sa pagpapabaya ng mga nakabanggang Chinese vessel sa 22 mangingisda nang lumubog na bangka. Marami ang nagpahayag ng kanilang galit at kondemnasyon kahit mismo sa mga opisyales ng gobyerno. Ngunit, ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Duterte ang pangyayari, at sinabing “small maritime…

Read More

HINDI SOLUSYON ANG PANUKALANG DEPARTMENT OF WATER SA KRISIS SA TUBIG

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kahapon ay nagkaroon ng pagdinig sa Kamara hinggil sa krisis sa tubig, na nagdulot ng water interruptions sa Kamaynilaan at karatig-probinsya nitong mga nakalipas na buwan. At isa sa mga hakbangin na lumabas sa pagdinig ay ang pag-apruba sa panukala ni House Speaker Gloria Arroyo na magtayo ng Department of Water, na lilikha ng “superbody” ng mga ahensyang may kinalaman sa tubig. Ang tanong, ito ba ang lulutas sa krisis sa tubig? Isinisi ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water ang pagkawala ng tubig sa El Niño phenomenon na…

Read More

ISABANSA ANG SERBISYO NG TUBIG!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Ang pagkawala ng tubig sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsya ay epekto ng pagsasapribado sa napakahalagang serbisyo publiko. At dahil sila ay mga kompanya na kita ang pangunahing motibo at hindi ang serbisyo publiko, walang pananagutan ang mga pribadong kompanya sa mamamayan. Mula pa Abril ay pinerwisyo na tayo ng pagkawala ng tubig. Sa Mandaluyong, halimbawa, may mga ulat na dalawang oras lamang kada linggo nagkaroon ng mahinang tulo sa gripo matapos ang isang linggong wala ni isang patak ng tubig. Ang sabi ng Manila Water at ng Maynilad…

Read More

HINDI BA MAHALAGA ANG BUHAY NG MGA MANGINGISDA?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sa sinabi ni Pangulong Duterte sa insidente sa Reed Bank na “little maritime accident,” tila minamaliit niya ang sinapit ng 22 mangingisdang binangga ng isang Chinese fishing vessel. Pati ang mga miyembro ng gabinete ng pangulo ay sunud-sunod na nagpahayag ng pagmamaliit sa pangyayari, na wala man lamang pinakitang malasakit at pagtatanggol sa ating mga maliliit na ma¬ngingisda. Hindi man lamang tinulungan ng mga nakasanggi na Tsino ang mga Pinoy, at hinayaan lamang silang lumubog at lumaban para sa kanilang buhay. Kung hindi pa sa mga Vietnamese na mangingisda na…

Read More

TOKHANG SA MGA AKTIBISTA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Matinding galit at pighati ang damdamin ng sambayanan sa pagpatay sa dalawang lider ng Karapatan at volunteers ng Bayan Muna sa Sorsogon nito lamang Sabado. Walang-awang pinagbabaril si Ryan Hubilla, senior high school student, at si Nely Bagasala, isang maybahay, habang lulan ng traysikel umaga ng Hunyo 15. Sila ay pinatay sa gitna ng isang residential area sa Phase 2, Seabreeze Homes Subdivision Brgy. Cabid-an, Sorsogon City. Nangyari ang madugong pagpatay kulang sa isang kilometro lamang ang layo sa City Police Office. Tokhang sa mga akti­bis­­ta ang nangyayaring pag­­­patay gaya…

Read More

KONDENAHIN ANG PAGDUKOT KAY FIDELINA VALLE!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Dinukot ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang miyembro ng media na si Fidelina Margarita Abellanosa-Valle, 61 taong gulang, sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental bandang alas-10:30 ng umaga noong Linggo. Siya ay inaresto sa isang halos isang dekada nang warrant of arrest sa isang Elsa Renton na mayroon din daw alyas na Tina Maglaya at Fidelina Valle. Ilang oras na hindi nalaman kung nasaan si Valle matapos siyang hulihin, na labis na pinag-alala ng kanyang mga kaanak, kasamahan, at mga kaibigan. Inihayag ni Col.…

Read More

IMBESTIGASYON NG KAMARA SA ‘GHOST PATIENTS’, IPINANAWAGAN NG BAYAN MUNA

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sumambulat sa balita ang anomalya sa paggamit ng pondo ng PhilHealth para sa dialysis treatments kamakailan, na ikinagalit ng marami nating kababayan. Ayon sa balita, patuloy na sinisingil ng pribadong dialysis treatment cen­ters ang PhilHealth para sa mga pasyenteng pumanaw na, na tinaguriang ‘ghost patients.’ Pinangalanan ang pribadong health center na sangkot sa anomalya, ang WellMed Dialysis Center sa Que­zon City. Ayon sa PhilHealth, nasa 2,000 health provi­ders ang isasailalim ng imbestigasyon. Para kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, masamang balita ito para sa lahat ng dialysis patients. Aniya, ang…

Read More

BAKIT HINDI KASAMA ANG PARTY-LIST SA RANDOM MANUAL AUDIT?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Para sa Bayan Muna, kabalintunaan ang hindi pagsama sa party-list sa isinagawang Random Manual Audit sa nagdaang eleksyong 2019. Ang Random Manual Audit o RMA ay proseso ng pagtitingin kung pareho ang basa ng resulta ng botohan ng mga makinang ginamit, sa pagkakataong ito ay ang mga Vote Counting Machines o VCMs, at sa basa na gamit ang mga mata ng mga tao. Ito ay isinasagawa upang tiyakin na tama ang bilang na ginawa ng mga makina. Kung may pagkakaiba sa bilang ng tao at ng makina, ito ay kailangang…

Read More