PILIPINAS AGAD DADALAWIN NG MANANALONG MISS UNIVERSE 2018!

Ikatutuwa nating lahat na Pilipinas ang unang pupuntahan ng magwawaging kandidata sa Miss Universe 2018 na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa December 17. Nalaman namin ang impormasyong ito mula kina RS Francisco at Sam Versoza, mga pinuno ng Frontrow. Affiliated kasi ang Miss Universe beauty pageant sa Frontrow at nagkataong sa December 17 idaraos ang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, kaya nakuha namin ang nasabing good news. Gaganapin naman ang charity music festival na Frontrow Cares, headed by Frontrow’s business partners RS and Sam, sa December 16 sa MOA…

Read More