WARAS RIVER BUHAYIN

Misyon Aksyon

MISYON Aksyon, isa po akong residente ng bayan ng Nabua na umaasang mabigyan ng konkretong aksyon ang aking kahilingan na maibalik ang dating magandang ilog ng Waras River at Bicol River na dating kaaya-ayang panoorin ang daluyan ng agos sa malawak at malinis na tubig. Ngunit makalipas ang tatlong dekada mula nang ako ay mangibang-bansa nanlumo ako nang makita ang ilog ngayon na marumi at tambak ng mga basura. Makikita mo ngayon na kulay itim at kaki na may masangsang na amoy habang lumulutang ang mga dumi at plastic ang…

Read More

USEC. ADOBO “TRAVEL”, “LAMESA” AT “REVIEW KING” NG DENR?

Misyon Aksyon

SALUDO talaga ako sa sipag at super bagal ng isang Department of Environment and Natural Resources Usec. na si Atty. Ernesto Adobo Jr. Kung ikaw ay magpa-follow up para alamin kung ano ang status ng papel na kailangan sa kanilang ahensya nakatengga lang sa lamesa na ‘for signature’ at ‘review’ ito ni Usec. Adobo Jr. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang sagot ng kaniyang secretary na “Pasensiya na po, sir. For signature, for review na po sa ngayon (ang papeles) at wala po siya ‘di ninyo makakausap dahil nasa out of…

Read More

BRGHAGMC, KALIDAD NG ST. LUKES AT COLOR GAMES SA MANILA TIGASIN

Misyon Aksyon

SALUDO ang Misyon Aksyon sa pamunuan ng Bicol Regional General Hospital Geriatric Medical Center (BRGHAGMC) na dating Bicol Sanitarium dahil sa magandang serbisyo na pinatotohanan ng isang senior citizen na si Aurora Garfin, 61-anyos na naospital dahil sa dengue sa Nabua Camarines Sur. Ayon kay Garfin, isinugod siya sa isang pribadong ospital na ang serbisyo ay naghihingalo, puro reseta at laboratory agad ang ginawa sa kanya at nagbayad ng halos P7,000 sa loob ng mahigit limang oras na pamamalagi rito ngunit walang resulta kung ano ang sakit nito at dahil…

Read More

PAGKAING TRIPLE ANG PRESYO SA TERMINAL; NAGNAKAW ISINUMBONG NG MANGHUHULA

Misyon Aksyon

MISYON Aksyon, pakiimbestigahan naman po ang mga kainan sa mga terminal ng bus na biyaheng Bicol at Bisaya sa Quezon. Napakalaki at grabe ang patong sa mga panindang pagkain na halos triple ang kanilang ipinapatong. Akalain mong ang isang order ng kanin ay P50 at ang ulam ay P50 rin na nakalagay sa maliit na platito na isandaan kung susumahin na ‘di makatao ang presyo. Ang masakit po, mahal na nga kakarampot pa ang takal nila sa mga pasahero ngunit ang mga driver ay mga bundat dahil sa lahat ng…

Read More