IPINASARA ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang pribadong slaughter house makaraang madiskubre na direkta nitong itinatapon ang kanilang mga dumi sa ilog ng San Juan, nitong Miyerkoles ng umaga. Ipinad-lock nina DENR Secretary Roy Cimatu at San Juan City Mayor Francis Zamora ang Mega Food and Stock Farm Incorporated na matatagpuan sa Barangay Kabayanan ng nasabing lungsod. Bukod sa patatapon nito ng dumi sa San Juan River, nabatid na wala ring kaukulang sanitary permit ang nasabing katayan ng baboy, baka at iba pang livestock. Maliban sa…
Read More