Kamakailan ay nagtangkang magnakaw ng mamahaling bisikleta ng ating mayamang kaibigang sa kanyang paboritong training ground sa Mall of Asia (MOA). Sa kabutihang palad ay may nakakita agad sa damuhong kawatan at agad itong nasakote bago pa niya tuluyang matangay ang napakamahal at napakagandang bisikleta. Kalaboso agad ang salarin at sa tulong ng mga sekyu at mga siklistang tambay sa MOA ay nadala agad ito sa himpilan ng pulisya. Agad ding sinampahan ng kaso sa piskalya ang suspek. Okay na sana ang lahat dahil nakahanda naman ang aking kaibigan na ituloy…
Read More