DOJ AT SI PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE

PRO HAC VICE

Bagama’t nasa ilalim ng Malacañang ang Department of Justice at si Justice Secretary Menardo Guevarra ay alter ego ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ‘di naman sang-ayon si Sec. Guevarra sa naging pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde na nakahanda nitong sundin si Pangulong Duterte kung ipag-uutos nito na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment case laban sa kanya. Sa panayam kay Sec. Guevarra sinabi nito na kailangan pa rin aniyang umiral ang rule of law. At kung may aarestuhin man ay kailangan pa rin ang isang warrant of arrest…

Read More

BUREAU OF CUSTOMS BA?

PRO HAC VICE

Nakaiinis isipin na kapag mga pagkain at iba pang may kaugnayan sa pangangailangan ng publiko ay mulat ang Bureau of Customs at nakikita nila ang mga ito na smuggled goods. Kaagad silang nakapagsasampa ng kaso sa mga umano’y smuggler, eh bakit kapag ilegal na droga ang dumarating sa Manila International Container Port (MICP) ay nakalulusot ang mga ito nang ‘di nila alam? Ang sinasabi ko po ay ‘yung buong pagmamalaki ng ahensya sa pangunguna ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na kinasuhan nila ng kriminal sa DOJ ang Amulet…

Read More

PAGPAPASARA NG KAPA TAMA O MALI?

PRO HAC VICE

Kapa mula sa “kabu-padatuon”, meaning mahihirap payayamanin. Maituturing nga bang tama o maling aksyon ang nagawa ni Pangulong Duterte nang ipasara nito ang KAPA International Community Ministry, Inc.? Kung pagbabatayan kasi natin ang mga lumalabas na report, sinasabing tatlong taon nang gumagana ang operas­yon ng KAPA at wala ni isang reklamo na lumutang sa nasabing panahon, na naloko sila o nabiktima. Saan ka makakakita na ‘yung mga sinasabing biktima umano ng pyramiding scam ng KAPA ay siya pang nanawagan kay Pa­ngulong Duterte na huwag nitong pakialaman ang operasyon ng KAPA…

Read More

MAHISTRADO NG SC INIS SA SENIOR MEMBER NG CA

PRO HAC VICE

Sobrang inis ang nararamdaman ng isang mahistrado ng Korte Suprema sa isang senior member ng Court of Appeals dahil sa ginawa nitong pagbago sa komposisyon ng kanyang iniwang tapos nang desisyon. Ang kaso ay may kaugnayan sa kaso ng pamahalaan laban sa isang kilala at kontrobersyal na negosyante. Plano ngayon ng mahistrado ng Korte Suprema na kasuhan itong si senior Member ng Court of Appeals (CA) dahil sa ginawa nitong pamemeke ng kanilang decision. Ayon sa justice ng Supreme Court (SC) na bago siya naitalaga rito ay natapos na nilang…

Read More

DATING MAKATI CITY MAYOR BINAY INALAT NA NAMAN

PRO HAC VICE

Ang tadhana nga naman kung magbiro ay talagang iindahin mo ano? Katulad na lamang ni dating Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. makaraang matalo ng kanyang kapatid na si Abegail Binay-Campos ay may panibagong dagok na namang dumating laban dito. Ito’y matapos namang katigan ng Court of Appeals ang naging desisyon ng Ombudsman na nagpapataw kay dating Mayor Binay na guilty sa kasong ‘serious dishonesty’, ‘grave misconduct’ and ‘conduct prejudicial to the best interest of the service’ kaugnay sa maanomalyang kontrata o pagtatayo ng Makati Science High School Building na…

Read More

DATING OMBUDSMAN MORALES PINAHIYA O NAPAHIYA?

PRO HAC VICE

Nadismaya raw si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa pamahalaang Duterte dahil sa kawalan ng naging aksyon nito sa ginawang pagharang sa kanya ng China government na makapasok siya sa Hong Kong? Hala??? ‘Di ba dine­demanda nina Morales sa international court ang pa­ngulo ng bansang China na si Xi Jinping tapos magtataka pa siya nang harangin siyang makapasok sa kanilang bansa? Tingin ko naman hindi bobo si dating Omb. Morales para ‘di niya maintindihan ang nangyari sa kanya. Bukod doon ay karapatan ng anumang bansa ang hindi papasukin sa kanilang teritoryo…

Read More

PAGSASAPUBLIKO NG KALUSUGAN NG PANGULO ‘DI KAILANGAN SA NGAYON

PRO HAC VICE

Bagama’t aminado si DOJ Secretary Menardo Guevarra na nakasaad sa Konstitusyon na obligasyon ng pangulo ng bansa na ihayag sa publiko ang anumang seryosong kondisyon nito. Pero paliwanag ni Secretary Guevarra na hindi obligado ang pangulo na isapubliko ang kanyang health condition kung hindi naman ito seryoso. Dagdag pa niya ay walang malalang kondisyon si Pangulong Duterte dahil tuluy-tuloy naman nitong nagagampanan ang kanyang trabaho at kahit sa kanilang cabinet meeting ay lagi naman itong naroroon. Kaya para roon sa masyadong nagmamadali na mawala na sa puwesto si Digong, mukhang…

Read More

ANGKAN NI ERAP NADAMAY SA PAGLAHO NG KANYANG KINANG SA MASA

PRO HAC VICE

Marahil maituturing nang tapos na ang bango ng mga Estrada sa masa at gayundin sa larangan ng politika. Patunay dito ang pagkakalaglag ng mga angkan ni Mayor Erap Estrada sa kanilang tinakbuhang posisyon dahil ni isa man lang sa kanila ay hindi pinalad sa kanilang tinakbuhang larangan. Ang magkapatid na JV at Jinggoy Estrada ay sawi sa kanilang kandidatura sa pagkasenador at maging ang anak ni Jinggoy na si Janella Estrada ay tinalo ng katunggali nitong si Francis Zamora sa pagkamayor ng San Juan at ang pinakamasakit ay ang tinaguriang hari…

Read More

CALLING NBI AT PNP!

PRO HAC VICE

Arestuhin at imbestigahan na si Peter Joemel Advincula alyas  Bikoy hindi dahil sa pagpapakalat ng video ng “ang totoong  narcolist” kung hindi dahil sa kanyang pag-amin na siya ay sangkot sa illegal drug trading! Sabi sa akin ng isang mataas na opisyal ng Department of Justice na sapat na ang pahayag ni Advincula noong hapon ng Lunes na may paglabag ito sa isinasaad ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 makaraang aminin nito na kasama siya sa nagtatara o nagbibigay ng protection money sa ilang personalidad…

Read More