BAHAY AT BUHAY

Psychtalk

(Ikatlong bahagi) Aminin man natin o hindi, isa sa hindi mabigyang bigyang solusyon ng pamahalaan – lokal man at nasyunal – ang suliranin natin sa bahay. Hindi maitatanggi ang nakikita ng ating mga matang informal settlers sa mga pangunahing siyudad sa kapuluan. Sila na ninanais nating itaboy sana sa mga relokasyon, o kaya’y itago sa paningin sa pamamagitan ng pagbabakod. Sila na sa paningin ng iba ay masakit sa mata o mga eyesore. ‘Di natin sila matulungang magkaroon ng disenteng tirahan dahil sa kakulangan ng housing program ng pamahalaan pero…

Read More

BAHAY AT BUHAY

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) Naririnig ko pa rin sa isip ko ang tinuran ng alkalde ng Maynila tungkol sa pagbibigay-dignidad sa mga sarili ng mga kababayang mahihirap kahit man lang sa paglilinis ng kanilang mga tirahan. Tamang-tama naman ang mga tirurang ito. Kaugnay nga ng mga naitanong ko sa unang bahagi ng sula-ting ito, paano nga ba natin maipapaunawa ang ibig sabihin ng salitang dignidad para sa mga taong ang tirahan ay nakasingit-singit sa mga estero? O kaya’y nakasiksik sa mga ilalim ng tulay, o gilid ng mga lumang establisimiyento sa siyudad? Paano…

Read More

BAHAY AT BUHAY

Psychtalk

(Unang bahagi) Ilang taon na rin ang nakararaan nang mawala ko ang mga koleksiyon ko ng CDs ng kanta nang masunog ang isang kubong pahingahan sana namin sa isang nayon sa timog-Katagalugan. Kasama rito ang CD ng isa sa hinahangaan kong alternative at aktibistang mang-aawit na si Gary Granada. Kagabi, nang makita ko ang balita sa TV tungkol sa kampanya sa Maynila na linisin at pagandahin ang kapaligiran, sa pangkalahatan maganda naman ang dating nito at sumasang-ayon ako sa hangarin. Tama naman na bigyan natin ng inspirasyon ang mamamayan na…

Read More

ANG JEEPNEY BILANG MUKHA NG PINOY

Psychtalk

(Huling bahagi) Napagtanto ko, kahit naman siguro araw-araw mag-transport strike ay hindi na mapipigil ang paparating na pagbabago at nakatakdang kapalaran ng Pinoy jeepney. Kailangan na rin kasing umangkop sa malawakan at mabilis na mga pagbabago sa iba’t ibang antas at aspeto ng buhay Pinoy. Anupaman ang kahihinatnan ng usapin ng jeepney, mayroong isang matingkad na alaala o kaisipang lagi at lagi ay maiuugnay ko rito – ang katatagan ng ordinaryong Pinoy. Masasalamin sa mga imaheng may kaugnayan sa jeepney  ang mga pagsisikap ng mga Pinoy na umangkop at humarap…

Read More

ANG JEEPNEY BILANG MUKHA NG PINOY

Psychtalk

(Ikatlong bahagi) ANG bilis o bagal ng daloy ng buhay ng mga Pinoy ay pwede ring masalamin ng ating hari ng kalsada – ang jeep. Pero siyempre, ang daloy na ito ay naapektuhan din kahit papaano ng ilang salik gaya ng lugar o konteksto, pati na rin ng panahon. Sa mga mananakay na nasa urban areas, mabilis ang pagdating at pag-alis ng mga jeep sa lansangan. Kaya’t kung babagal sa umaga at ‘di naabutan si manong driver na nakaparada sa kanto, huwag mag-alala at maya-maya ay malamang may darating pang…

Read More

JEEPNEY AT ANG KULTURANG PINOY SA PAGBABAGO

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) BATAY sa mga nauulinigan minsan ng mga kuwentuhan ng kung sinu-sinong taong nakasasalamuha, maraming eksenang nangyayari sa mga jeep na nagpapakita ng kaugalian at kultura ng mga Filipino. Naaalala ko pa ang mga nakakatuwang kasabihan na madalas ay makulay na nakasabit o nakapaikot sa loob ng mga jeep. Halimbawa nito ay ang “God knows Hudas not Pay.”  Isang nakatutuwang paggamit ng mga imahe galing sa relihiyon upang ipakita ang ilang kagawian ng ilang mananakay. Dahil sa sistema ng paraan ng pagbabayad, talagang ‘di maiiwasan na may maaaring makalusot.…

Read More

JEEPNEY AT ANG KULTURANG PINOY SA PAGBABAGO

Psychtalk

(Unang bahagi) MAY mga pagtutol sa pagpapanukala ng modernisasyon ng jeepney sa Pilipinas dahil sa mga hindi katanggap-tanggap na implikasyon nito sa pangkalahatang kalagayan at kabuhayan lalo na ng mga maliliit. Partikular yaong mga pamilyang nais sanang magkaroon ng sariling kabuhayan na hindi na kailangang mag-empleyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling isa o dalawang jeep na pampasada. Pero sa bagong panukala, tila mawawalan na sila ng karapatang makapamasada. Hindi ko na masisilayan malamang sa mga kalsada ang ilang jeepney na ipinagmamalaking “Katas ng Saudi” ng ilang kababayang pagkatapos makaipon…

Read More

ANG NAKAAMBANG PAGBABAGO NG HARI NG KALSADA

Psychtalk

Natapos na ang pambansang jeepney strike. Mukha namang naramdaman ang impact nito sa mga major na lugar kung saan ito inilunsad. At tila naipahatid naman ang mensahe ng nag-aklas na jeepney drivers at operators – ang pagtutol sa pinaplanong jeepney mo¬dernization ng pamahalaan. Sa pangkalahatan, maganda naman ang hangarin ng gobyerno. Ang tanggalin na ang smoke-belchers na mga jeep at palitan ng e-jeep na mas mataas ang base fare. Hangarin na gawin itong world-class para sa dumarami nang turista. Inaasahan din na magbu-boost ito ng jeepney manufacturing sa bansa. Hindi…

Read More

ANG JEEPNEY BILANG MUKHA NG PINOY

Psychtalk

Galing sa out of town para magpakalma ng kaunti mula sa pressures ng trabaho, nagulat ako na nagdeklara kamakailan na walang pasok dahil sa napabalitang nationwide jeepney strike. Nanghinayang ako sa isang araw na bawas, pagtatapos sana ng ilang trabaho sa office, pero natuwa ang medyo pagod ko pang katawan. Matagal-tagal na rin na hindi ko naririnig ang usapin ng mga tigil-pasada mula nang nagdesisyong tumira sa labas ng Kamaynilaan. Noong ako’y nasa kolehiyo noong late 80s, ilang beses kong nasaksihan ang mga matatagumpay na tigil-pasada dahil sa madalas na…

Read More