(Unang Bahagi) Ayon sa mga pag-aaral, medyo mahirap pero ‘di pa naman huli para amuin o patahanin natin ang nag-aalburutong Inang Kalikasan. Kung hindi lang sarili natin ang ating iisipin at pagtutuunan natin ang kapakanan ng mga darating na henerasyon, makikita natin na kailangang may dapat gawin. At may magagawa pa. Mahirap sa umpisa, baka suntok sa hangin din sa tingin ng iba. Puwede rin namang sakyan na lang ang pananaw ng ilan—wala nang magagawa kundi adaptation na lang. Narinig ko ito mula sa mga naniniwalang irreversible na ang mga…
Read MoreTag: Psychtalk
NANG MAG-ALBURUTO SI INANG KALIKASAN
Paano ba natin nasabing nag-aalburuto na ang Inang Kalikasan? ‘Di nga ba likas lang na bahagi ito ng kanyang pagiging kalikasan? Oo, bilang kalikasan, may natural itong pagbabago o transpormasyon, bilang isang buhay na organismo. May panahon ng pagkabuhay, pagkasira, pagkamatay, at muling pagsilang. ‘Yan ang natural na daloy sa mundo. Gayunpaman, ayon sa mga pag-aaral, ay sobrang abnormal ang mga nasasaksihan natin sa ating panahon na mga pag-aalburuto ng kalikasan. Ito ay mga tinatawag nating mga sakuna o disaster. Nagkakaisa ang mga eksperto na ang proportion at katangian ng…
Read MorePARALELISMO NG KALIKASAN AT KABABAIHAN
(IKALAWANG BAHAGI) Maliban sa pagiging parehong duyan ng buhay, kalinga at pagmamahal, mayroon pang ibang mukha ang ugnayan at paralelismo ng babae at Inang Kalikasan. Mayroong madilim at masaklap ang anyo ng pagkakapareho na ito. Kung gaano man kalapit ang dating ugnayan ng babae at kalikasan, siya naman kalayo na ang naging agwat ng kalikasan sa mga tao sa pangkalahatan. Ito ay nagsimula noong nagbago ang pananaw ng tao (na ang tinutukoy ay lalaki) sa mismong babae at kalikasan. Dati tinitingnan natin ang kalikasan bilang isang buhay din na organismo…
Read MorePARALELISMO NG KALIKASAN AT KABABAIHAN
(Unang bahagi) Sa mas naunang artikulo, bahagyang nabanggit ang pagkakaroon ng sinasabing paralelismo ng kalikasan at kababaihan. Tandaan na ang salitang kalikasan o Inang Kalikasan ay madalas ding gamitin bilang alternatibong katawagan sa ating mundo o planeta Pinapalagay na maraming katangian ang kalikasan na kawangis ng sa babae kaya’t binigyan ito ng katawagang nabanggit. Sa sinapupunan ng babae literal na nabubuo ang buhay. Sa kandungan at kandili niya lalong umuusbong habang inaalagaan ng pagmamahal ang buhay. Sa kalinga at paglingap ng isang babae lumalakas at namumunga ang mga puwersang tagapagtaguyod…
Read MoreMULA KABABAIHAN TUNGO SA INANG KALIKASAN
Tapos na ang Marso at narito na tayo sa buwan ng Abril. Bagama’t patuloy pa rin ang sagitsit ng tag-araw at tagaktak ng pawis ng karamihan sa atin, nagbibigay naman ng pag-asa ang bagong buwan bilang panahon ng tagsibol sa maraming bahagi ng mundo. Ito ay nagpapahiwatig ng bagong pag-asa, pamumulaklak at pagbunga. Ibig kong sabihin, mula sa buwan ng kababaihan ay tumuon naman tayo sa pag-akap sa buwan na nakatalaga para sa Inang Kalikasan. Sa partikular, nakatakdang ipagdiwang kada Abril 22 ang “International Earth Day.’ Maaalala natin na unang…
Read MoreANG MGA ANO AT BAKIT NG KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN
(IKALAWANG BAHAGI) Batay sa datos mula sa World Health Organization (WHO) noong 2017, isa sa kada tat-long babae, o nasa 35% ng mga kababaihan sa buong mundo ay nakakaranas ng karahasan. At ang pinakatalamak na uri nito ay sekswal na karahasan at iyong naka-paloob sa relasyon ng mag-partner (intimate partners). Sa buong mundo rin, umaabot sa 38% ang bilang ng mga babaeng napapatay ng mismong mga partner nila. Ilan ang mga nabanggit sa kadahilanan kaya itinuturing ng WHO na isang usaping pangkalusugan din ang karahasan laban sa kababaihan. Ano nga…
Read MoreANG MGA ANO AT BAKIT NG KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN
(UNANG BAHAGI) BILANG pagpapatuloy ng aking pagtatalakay sa mga usaping akma sa nakaraang buwan ng kababaihan, tutuunan ko naman ngayon ang walang kamatayang pananakit sa mga kababaihan, na sa kabila ng mga umiiral na mga batas para mapigil ito, ay tuluy-tuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kaso kaugnay nito. Anu-ano nga ba ang mga porma ng pang-aabuso, karahasan, o pananakit sa mga babae? Mas alam natin siguro ang pisikal na anyo gaya ng pambubugbog, pagsampal, pagpaso ng sigarilyo sa balat, pag-uuntog, pagsakal, at iba pa. Talamak din ang mga…
Read MoreANG KARAHASAN LABAN SA MGA BABAENG FILIPINO
SINASABI na isa sa pinakaprogresibong bansa partikular sa Asya ang Pilipinas pagdating sa usapin ng pagsusulong ng kapakanan ng mga kababaihan. Isang patunay nito ay ang pagpapasa ng ilang mga batas na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga babae. Isa na rito ang RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (Anti-VAWC). Ilang taon na rin ang nakalilipas mula nang maipasa ang nasabing batas. Inaakala noon na sa wakas ay may katugunan na ang usapin ng karahasan na nararanasan ng mga kababaihan. Umasa na matitigil na ito dahil matatakot na…
Read MoreANG MAS MATINDING PASAKIT NG KABABAIHANG FILIPINO DAHIL SA KAHIRAPAN
Sa paglipas ng mga taon, tila mas naramdaman ng mas marami pa ring bahagdan sa ating populasyon ang paghirap ng buhay. Kahit anuman ang iulat sa iba’t iba na numero sa iba’t ibang economic at social indices, mga karanasan pa rin ng ordinaryong mamamayan ang mas pinaniniwalaan ng karamihan. Parang may paligsahan sa pagtataas ng mga halaga ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan: ang singil sa tubig, kuryente, pamasahe, mga presyo ng bilihin, mga buwis na patung-patong na. Nandiyan din ang taunang pagtaas ng bayarin sa paaralan ng mga anak.…
Read More