Batay sa datos mula sa World Bank, bumaba sa 21.6% ang poverty incidence ng Pilipinas noong 2015 kumpara sa naitala noong 2012 na 25.2%. Matutuwa na sana sa impormasyong ito kung hindi natin nakita ang mas malawak na larawan ng mga bagay-bagay: Pilipinas ay pangalawa sa pinakamahirap na bansa sa Timog-Silangang Asya noong 2015. Inaantay pa rin natin ang pinakabagong datos tungkol sa kahirapan ngayong 2019. Sinasabi na ang bahagyang pagbaba ng bahagdan ng insidente ng kahirapan ay dulot ng mga palyatibong programa ng pamahalaan gaya ng dole outs na…
Read MoreTag: Psychtalk
ANG KABABAIHANG FILIPINO AT USAPIN NG MIGRASYON
(IKALAWANG BAHAGI) Sa huling bahagi ng sulating ito ay may naiwang ‘di direktang katanungan kung ang migrasyon at partisipasyon ng mga kababaihan sa lakas-paggawa ay nagdudulot ng totoong pag-angat ng pangkalahatang estado ng kababaihan. Ayon sa ilang pag-aaral, maaaring ang usapin ng migrasyon ng kababaihan para magtrabaho ay naging isang salik para pagbabago ng pananaw at paggampan sa mga gender roles ng parehong lalake at babae. Medyo nababasag na ang de-kahong pananaw kaugnay sa kung ano ang gampanin ng isang babae o isang lalake. ‘Di na lang si tatay ang aasahang magtrabaho, at si…
Read MoreANG KABABAIHANG FILIPINO AT USAPIN NG MIGRASYON
(UNANG BAHAGI) Mula noong kalagitnaan ng ika-20 siglo, namayagpag ang Pilipinas sa pag-i-import ng lakas-paggawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Unti-unti mula noon, nakita ang tuluy-tuloy na pag-angat ng kita ng pamahalaan mula sa sahod na ipinapadala ng mga manggagawa at propesyonal na nasa ibang bansa, habang bumaba ang kontribusyon sa Gross Domestic Product ng iba’t ibang industriyang lokal. At ngayon nga, isa nang malakas na pwersa ang sektor ng mga tinatawag nating bagong bayani, ang mga overseas Filipino workers (OFW). Isang napansing trend sa migrasyon ng lakas-paggawa ay…
Read MoreKABABAIHAN AT LAKAS-PAGGAWA
Ayon sa 2016 Gender Gap Report ng World Economic Forum nasa ika-7 puwesto ang Pilipinas sa Global Gender Gap Index. Ang ating bansa rin ang nangunguna sa Silangang Asya at Pasipiko pagdating sa pagmii-mainstream ng gender equality sa apat na larangan: educational attainment, health and survival, economic opportunity, at political empowerment. Kung titignan sa antas ng polisiya at mga naipasa ng batas, masasabing marami na ngang naabot ang Pilipinas kaugnay ng pagsasakatuparan sa mga adhikain ng ilang nilagdaan nitong kasunduan gaya ng Convention for the Elimination of Discrimination Agains Women…
Read MoreANEKDOTA PARA SA MGA KABARO
ILANG taon na ang nakararaan nang ako ay nagtuturo sa isang freshman section ng kursong pang-GE sa Sikolohiya. Sa klase na iyon ng mga entrepreneurship majors, kapansin-pansin na pagdating sa talino, dedikasyon, at performance sa klase, ilang babaeng estudyante ang namumukod-tangi at sadyang nangunguna. Walang palya na kakikitaan mo sila ng malaking potensiyal para maging matagumpay na mga babae. Hanggang dumaan ang mga linggo at dumating kami sa isang leksiyon, na sa pagkakatanda ko ay patungkol sa anu-ano ang mga pinapangarap nila sa buhay at ano mismo ang pakahulugan nila…
Read MoreMARSO: BUWAN NG KABABAIHAN
Unang araw ng Marso. Noong bata-bata ako, ang pakahulugan ko sa buwang ito ay pagbabadya ng nalalapit na pagtatapos ng taon sa paaralan at pag-uumpisa ng masayang bakasyon sa probinsya. Ngunit sa paglipas ng mga taon at sa pagdami ng kaalaman, natutunan ko na ang Marso ay buwan din pala na nakalaan para sa kababaihan. Kaya, heto ang maagang pagbati sa kababaihan: “Isang masaya at mas mapagpalayang buwan ng kababaihan para sa ating lahat! Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “#BalanceforBetter.” Bagama’t masasabi na marami nang nakamit na tagumpay ang kilusang kababaihan…
Read MoreHUWAG SUKUAN ANG PAGMAGMAHAL
Kapansin-pansin marahil na ibinuhos ko ang ispasyo ko sa tema ng pag-ibig sa halos buong buwan ng Pebrero. Nais kong ito pa ring ito ang pangsara kong tema. Sa sarili kong karanasan kasi, laging masarap pag-usapan ang paksang ito. Hindi ito nakakapagod na pagnilay-nilayan. Laging maraming may masasabi tungkol dito. Sabi nga, mainam na may paniniwala, pag-asa, at pag-ibig. Pero sa tatlong ito, ang pag-ibig ang pinakadakila. Pero isang katotohanan na minsan may mga taong nagsasabing napapagod na silang magmahal. Dahil sa ekspektasyong ‘di natupad o sa mga ibinuhos na panahon…
Read MoreIBA PANG MUKHA NG PAG-IBIG: IKALAWANG BAHAGI
Sa unang bahagi ng artikulong ito, nabanggit ko ang tungkol sa porma ng pag-ibig na nagpapakita ng pagmamahal sa inang-bayan. Isang larangan na tiyak na magkakaiba-iba tayo dahil sa kaniya-kaniyang pinaniniwalaang pamamaraan na dulot na rin ng iba’t ibang lente ng pagsusuri sa mga isyu ng bayan. Ganunpaman, ang hamon ay kung paano makakita ng “common ground” dahil hindi naman pwedeng magpatayan na lang tayo nang magpatayan para maipakita natin na mas tama ang paraan ng pagmamahal natin. Ilang taon na nang may isang abogadong naglathala ng maliit na libro…
Read MoreIBA PANG MUKHA NG PAG-IBIG
(UNANG BAHAGI) HINDI pa rin ako gaano nakaka-move-on sa selebras-yon ng Araw ng mga Puso. Kung mayroon isang mensaheng pumukaw sa aking interes sa social media noong araw na iyon, ay ‘yung galing sa isang kaibigan na ilang dekada nang may malalim na pakikisangkot sa kilusang pagbabago. Simple lang ang post niya: “Be madly in love for motherland.” Magandang paalala lalo na para sa karamihan sa atin na minsan napakalimitado lamang ang pakahulugan sa salitang pag-ibig at limitado rin ang nakikitang sakop nito. Gaya ng nabanggit ko na sa mga…
Read More