(Ikalawang bahagi) PAANO nga ba matutugunan ang hamon ng araw ng pag-ibig na hindi kinakailangang magpaalipin sa mga komersiyalisadong ekspektasyong pinalalaganap ng kasalukuyang kultura? Paano ba maipapakita ang pag-ibig sa minamahal na hindi kailangang magpadala sa pressure na gumastos kung hindi talaga pasok sa budget? Paano ba natin mararanasan ang kahulugan ng pag-ibig anuman ang kalagayan o estado, saan man tayo ngayon? Dahil kung paniniwalaan lang natin ang namamayagpag na pananaw ngayon, marahil mapapaisip tayo na ang selebrasyon nito ay para lamang sa mga mayroong pera. Kung kapos ka, wala…
Read MoreTag: Psychtalk
HAMON NG ARAW NG PAG-IBIG
(UNANG BAHAGI) Buwan na naman ng mga puso—malamig pa rin ang simoy ng hangin, at naglipana na sa mga pampublikong mga lugar ang mga advertising materials na nagpapaalala tungkol dito. Kaakibat nito ang iba’t ibang ekspektasyon lalo na para sa mga taong nasa isang romantikong relasyon. Kasi naman, sa hinaba-haba nang panahon, ang pangkaraniwang pagkakaunawa ng mga tao sa pag-ibig ay galing sa iisa at limitadong pakahulugan. Kadalasan ito ay tumutukoy sa pag-ibig na romantiko na siyang temang namayani sa mga klasiko at mga kasalukuyang naratibo tungkol sa mga relasyon…
Read MoreMAGULANG, ANAK AT KALUSUGANG PANG-ISIP
Nitong Sabado, naging isa ako sa tagapagsalita sa isang forum tungkol sa pangangalaga at pagpapatatag ng kalusugang pang-isip ng mga mag-aaral sa pamantasang pinagtuturuan ko. Ang mga dumalo ay ang mga opisyales at kasapi ng organisasyon ng mga magulang. Nakakatuwang isipin na sa araw na sanay nagpapahinga ang mga magulang pagkatapos ng isang linggong paghahanapbuhay ay pinili nilang makibahagi sa aktibidad na magtataguyod ng kapakanan ng kanilang mga anak kahit ang mga ito’y nasa kolehiyo na. Nagpapatunay ito kung gaano kasidhi ang hangarin ng bawat isa na patatagin lalo ang…
Read MoreBAKIT KA NAGUGUTOM?
Bakit ka nagugutom? Simple o kumplikadong tanong ito depende sa perspektibo ng nakakarinig at sumasagot. Marami ring pwedeng paraan ng pagsagot nito. Maaring simpleng papilosopong sagot na ‘kasi di pa ako kumakain kaya gutom.’ Sa aming disiplina pwedeng psychophysiological ang lapit at maipapaliwanag ito bilang nakakonekta sa complex na interaksiyon ng iba’t ibang sistema sa katawan ng tao: ang nervous, endocrine at digestive systems. Maaring pag nakakita o nakaamoy ang ating mata o ilong ng isang pagkain, o kaya’y sa takdang oras sa isang araw ay nai-interpret ng ating utak…
Read MoreNASAAN NGA BA ANG SWERTE?
CHINESE New Year na naman. Marahil marami na naman ang nagkonsulta sa feng shui para iayos ang mga bahay o opisina. Kung gustong mas makamura, pwede namang bumili ng mga lucky charm sa mga tindahan ng pampaswerte lalo na ng mga naaakma sa Year of the Earth Pig, sa pagbabaka-sakaling darating na ang pinakaaasam na magandang kapalaran o kaya naman para magtuluy-tuloy ang kasalukuyang maayos ng buhay. Kung hindi naman ay para kontrahin ang inaakalang malas na dala sa kanya-kanyang buhay ng bagong taon. Taun-taon na lang ay marami ang…
Read More“BAYAD-UTANG CHALLENGE”
Itong pagpasok ng 2019 maraming naka-post sa FB tungkol sa “Ten-year Challenge.” Tila naging bandwagon ito at marami sa mga kaibigan ko ang naglathala ng kanya-kanya nilang challenge kuno. Nakakatuwa rin namang basahin o pagmasdan ang mga ito. Ngunit ang sadyang nagpatawa sa akin at pumukaw ng aking atensyon ay ‘yung isang meme tungkol sa pagbabayad ng utang. Sabi sa post, “daming nauusong challenge ah?! Wala bang magsisimula ng bayad-utang challenge?” Sobrang naramdaman ko ang damdamin ng nag-post ng meme na ito. Marahil gaya ko at ng marami pa sa…
Read More