PAGKILOS NG PAMAHALAAN KONTRA KASO NG POLIO

SA TOTOO LANG

Mabuti’t mabilis ang pagkilos ngayon ng Department of Health sa isyu ng kalusugang kinakaharap ngayon ng ating bansa. Ang problema natin ngayon sa kalusugan ay ang delikado at sadyang nakamamatay na polio. Hindi kasi biro ang sakit na ito at walang lunas kapag tinamaan ka nito. At ang tanging sagot para ito ay maiwasan ay ang bakuna. Kaya naman dalawang araw matapos na mailunsad ang Sabayang Patak laban sa naturang sakit ay umabot na sa 58 porsyento ang nasaklaw ng pagbabakuna sa mga bata sa lungsod ng Maynila. Batay pa…

Read More

GAWING MAKABULUHAN ANG PAGIGING BATA NG ATING MGA ANAK

SA TOTOO LANG

National Children’s Month ngayon. Paano ba natin gagawing makabuluhan ang pagi­ging bata nila upang lumaki silang may pagkilala sa kung ano sila sa pamilya nila at sa lipunang kanilang ginagalawan? Ang inisyal na paraan para gawin ito ay iparamdam sa mga bata ang tunay na nilang mundo. Iparamdam nang husto na sila ay mga bata at huwag agawin o ilayo ang panahong ito sa kanila. Ibigay ang sapat na oras at pagmamahal para sa kanila, tayo man ay mga magulang o tagapag-alaga, hanggang sa sila ay lumaki. Sa totoo lang,…

Read More

HINDI GANOON KADALI

SA TOTOO LANG

Naging balita kahapon na pinatawad na ni Maguin­danao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu ang mga suspek sa nangyari noong Maguindanao massacre o mas kilala rin sa tawag na Ampatuan massacre. Hindi natin kinukuwestyon ang hakbangin o paha­yag na ito ng naturang mambabatas. Sa kanya na rin naman nanggaling, hiniling ng kanyang mga anak na huwag nang magpakababad sa iniwang sakit ng naturang karumaldumal na pagpatay. Nais ng kanyang mga anak na mag-move on na ito lalo’t nasisiguro niyang may kalalagyan ang mga nagkasala sa kanila. Nangyari ang Ampatuan massacre…

Read More

UMUNAWA TAYO

SA TOTOO LANG

Ayon sa statement ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magsisimula sa araw na ito ang tatlong araw na pansamantalang pagliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo. Ang balita rin namang iyan ay galing mismo kay Senador Christopher “Bong” Go, ang dating top aide ni Duterte. Nais kasi ng pangulo na makapagpahinga nang maayos dahil mayroon itong iniinda. Bilang mamamayan ay huwag na muna tayong gumuhit ng espekulasyon. Doktor na rin ni Pangulong Duterte ang nagtagubilin sa kanya na kailangan niyang magpahinga. Pinagbasehan ng doktor ang iniindang muscular spasm ng pangulo kasunod…

Read More

PANANAMANTALA?

SA TOTOO LANG

Pananamantala ba ang pwedeng itawag natin kung dumarami ngayon ang mga paupahan na nagtataas ng kanilang renta? Ang siste kasi, lumalakas ang loob ng mga nagpapaupa dahil ang lagi na nila ngayong dahilan ay lumalalang trapiko sa buong bansa. Uulitin natin sa buong bansa. At dahil malawakan ang epekto ng buhul-buhol na trapiko ay kawawa tuloy ang mga rumirenta. Tiyak ang pagtaas ng parenta lalo na sa mga condominium, sumunod ay mga apartment o room apartment. Siyempre naman, mananamantala ang mga nagpapaupa at ikakatwiran nilang kaysa manirahan ka sa malayo…

Read More

AKSYON NG PANGULO, KAILANGAN

SA TOTOO LANG

Mabuting inilutang na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang cabinet meeting kahapon ang usapin sa pag-ban ng plastic. Aniya dahil sa lumalalang problema sa climate change, posibleng ang pag-ban sa paggamit ng plastic ay maging nationwide. Tama lang naman dahil kung lahat ay apektado ng salot at hindi madisiplinang paraan ng paggamit ng plastic, tiyak na ang solidong pagbabawal sa paggamit nito ay may positibong epekto rin para sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Sa patas na paraan gagawin ito ng pangulo ng bansa. Idadaan niya ito sa legislative…

Read More

AYUDA SA MINDANAO

SA TOTOO LANG

Niyanig ang ilang bahagi ng Mindanao sa lakas na magnitude 6.3 na lindol noong Miyerkoles ng gabi. Ang lakas ay nakapagtala ng pinsala ngunit malaking bagay na may pagtitiyak ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na walang magaganap na tsunami. Nakapangangambang sa lakas ng lindol ay apat ang naitalang binawian ng buhay, habang 60 naman ang naireport na nasaktan sa Tulunan Cotabato. Sana ay hindi na ito masundan pa ng anomang casualty. Nananalangin ang publiko kasunod ng nangyari. Naroon kasi na may mga gusaling nagiba matapos ang malakas na…

Read More

IBANG GALAWAN SA LOOB

SA TOTOO LANG

Sa pagdinig ng Senado hinggil sa alegasyon ng iregularidad sa Bureau of Corrections partikular sa New Bilibid Prison (NBP), iba’t ibang katiwalian at negatibong “mahika” ang nagaganap dito. May ibang galawan talaga sa loob. Nakapagtataka na may mga bilanggo na basta na lamang nagpapadala sa NBP hospital gayong may mga mas karapat-dapat na magpagamot o magpagaling sa mga ito. Ngunit nagiging malinaw din sa mata ng publiko na kahit saan ay madaling malusutan ang batas o ang regulasyon basta para-paraan lamang. Oo naman. Ano pa bang bago? Lalo pang lumalabas…

Read More

PAANO KUNG TOTOO?

SA TOTOO LANG

Sa lumabas na ulat kahapon, naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na babawiin ng China ang Scarborough Shoal bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Ito ay dahil sinabi ng ating pangulo na hindi niya mapipigilan ang China sa pagtatayo ng mga istraktura sa shoals ng Panatag o Bajo de Masinloc. Kung totoo man ito o kung tuluyang mangyayari, aba’y kawawa naman pala ang mga Filipino. Mawawalan tayo ng pag-aari. Mawawalan tayo ng karapatan at kalayaang makapunta sa West Philippine Sea. Dito ay mababalewala…

Read More