DELIKADO ANG POLIOVIRUS

SA TOTOO LANG

Nakalulungkot ang balita ngayon. Matapos ang 19 taong pagdedeklara na wala nang polio sa Pilipinas, heto tayo muli at tinamaan ng mapaminsalang sakit na ito. Ito ang kinumpirma ng Department of Health kung saan nabalitaan at napatunayan ding mayroon polio case sa Lanao del Sur. Nakalulungkot din na malaman na sadyang marumi ang ating kapaligiran. Ito ay dahil na rin ang poliovirus ay na-detect sa water sewerage samples sa Manila at Davao. Dengue ang halos hindi pa tapos na kinakaharap ng ating pamahalaan at mamamayan. At marami ang namatay sa…

Read More

KASO NG RAPE, MALALA

SA TOTOO LANG

Masakit mang tanggapin, ang kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan ay tila pangkaraniwan na lamang. Nangyayari ito sa iba’t ibang bansa sa mundo. Gayunman, iisa ang mga negatibong epekto nito sa mga biktima, ganoon din sa kanilang mga pamilya. Sa Pilipinas, terible rin ang kaso nito kung saan napakaraming biktima ay patuloy pa ring nagdurusa sa kawalan ng hustisya sa mahabang panahon. Ang masakit para sa kanila ay normal ang buhay at normal na nakalalaya ang mga may sala. Noong 2016, napaulat na may 4,605 na mga kaso hinggil sa…

Read More

NAKALIPAD NA, PAANO NA IYAN?

SA TOTOO LANG

Masama at masakit na balita. Inihayag kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nakarating sa kanila ang balita na ilan sa mga napalayang mga bilanggo dahil sa Good Conduct Time Allowance ay wala na sa Pilipinas. Ito ay mga nakalipad na sa ibang bansa at tuluyan nang nagpakalaya-laya. Paano na iyan? Sana bumalik sila o mapabalik ng ating pamahalaan at harapin ang kanilang isyu sa bansa. At kung hindi sila makababalik, parang pinalaya na lamang basta ang karapatan at hustisya sa mga biktima ng krimen.…

Read More

GULO SA PAGPAPATUPAD NG BATAS

SA TOTOO LANG

Sa nangyaring kapalpakan sa Bureau of Corrections malaking gulo ang iminarka nito sa mga opisyal at ng mismong pamahalaan. Malaking stigma ito sa sistema ng ating batas na para bang mismong ang nagpapatupad sana ng tuwid na batas ay hindi makaintindi sa nilalaman mismo ng batas. O baka naiintindihan naman nila pero dahil sa mga pansariling interes e hindi bale na lang na baluktutin ang tama at ipagpatuloy ang kanilang mga pansariling kagustuhan para sila lamang ang mga makinabang. Nagpalaya ang BuCor ng mga presong nahatulan dahil sa karumal-dumal na…

Read More

HINDI DAPAT MAKALAYA

SA TOTOO LANG

Nakalulungkot kung mapalalaya si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez para sa good conduct time allowance (GCTA) na nasa batas. Iyan ang mainit na balita ngayon na humatak muli sa publiko na magbalik tanaw sa krimeng ginawa ng nasabing alkalde. Marami ang tutol dito at naroon ang simpatiya sa mga naulila ng mga naging biktima ng alkalde. Nakulong si Sanchez noong 1995 nang mahatulan ng seven terms ng reclusion perpetua. Ang krimen ay naganap noong 1993 kung saan dinukot ang UP Los Baños students na sina Eileen Sarmenta na 21-anyos…

Read More

SENTIDO KUMON NAMAN!

SA TOTOO LANG

Viral ngayon sa social media ang video kung saan isang foreign national ang sinasabing nag-assist sa kasama nitong bata na hinihinalang anak nito habang dumudumi (pooping) sa baybayin ng Boracay Island. Matapos na dumumi ang bata ay ang tanging ginawa lamang ng sinasabing ina nito ay tinakpan lamang ng buhangin ang naturang dumi sa Station 1. Dahil kinunan ang insidente ay kumalat ito sa social media at humakot ng mga komento. Nasa Municipal Ordinance Number 311 o Anti-Littering Law sa bayan ng Malay sa Aklan ang anumang uri ng pagdudumi,…

Read More

DENGUE AT ANG SUPLAY NG DUGO

SA TOTOO LANG

Umangat na naman ang Pilipinas sa “pinaka”. Pero ang bagong balita ay nakalulungkot at nakaaa­larma dahil ang Pilipinas ngayon ang may pinakama­raming kaso ng dengue sa Southeast Asia sa taong ito. Ang bilang kasi ng kaso ng dengue sa ngayon ay sumampa na sa 146,062 at nakapagtala na rin tayo ng mga pasyenteng namatay rito sa bilang na 622. Ang nakalulungkot pa rito, may area o sangay ng Philippine Red Cross (PRC) na namumroblema ngayon sa suplay ng dugo para maitulong sana para sa blood transfusion ng mga pasyente na…

Read More

KOOPERASYON NG BAWAT ISA KONTRA DENGUE

SA TOTOO LANG

Kahapon ng hapon ay nagdeklara na ang Department of Health (DOH) na tayo ay humaharap sa national dengue epidemic dahil sa tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng sakit na ito. Nakaaalarma naman talaga dahil lumalala ang kaso ng dengue sa bansa dahil sa mapaminsalang mga lamok. Hindi biro ang rekord na nakapagtala na tayo ng 622 patay at 146,062 ang bilang ng kaso nito mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan. Ito ay mas mataas na 98 por¬syento sa naitalang kaso sa parehas na panahon noong nakaraang taon. Noong…

Read More

PAGBANGON KAILANGAN NG ITBAYAT, BATANES

SA TOTOO LANG

Noong isang araw lamang ay may ulat na aabot sa P282 milyon ang halaga ng mga napinsalang gusali sa Itbayat, Batanes dahil sa magkakasunod na mga lindol na nangyari rito noong nakaraang Sabado. Iniulat din na nasa 185 mga bahay ang tuluyang gumuho at hindi na magagamit pa dahil sa trahedya. Sa pinakabagong ulat kahapon ay inihayag ni Batanes Province Governor Marilou Cayco na kailangan ng kanilang lalawigan ang P886 milyon para sa rehabilitasyon. Malaking pondo ang kailangan na iyan at hindi kakayanin ng lokal na pamahalaan na muling maibalik…

Read More