Panlimang araw na ngayon buhat nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagpapasara at pagpapahinto ng lahat ng uri ng gaming schemes sa pamamahala ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO. Ito ay pag-aari ng ating pamahalaan at isang controlled corporation ng bansa na direktang pinamamahalaan ng Office of the President ng Pilipinas. Samakatuwid ang PCSO ay nasa ilalim ng tanggapan ni Pangulong Duterte. State Lottery Company iyan at matagal nang nag-oopereyt sa bansa simula pa noong 1934. Pero noong nakaraang Sabado lang biglang natapos sa isang iglap ang kasaysayan…
Read MoreTag: Sa Totoo Lang
ANG KAWAWANG MINDANAO
Ang mga nangyayaring kaguluhan sa Mindanao ay matagal nang problema ng bansa. Hindi na iyan bago sa ating mga Filipino dahil maraming administrasyon na rin ang humawak sa Pilipinas pero ang hidwaan sa Mindanao ay hindi pa rin maalis-alis. Ilang mga engkwentro na rin ang nangyari pero hindi nauubos ang kalaban ng pamahalaan doon. Pinostehan na rin ng Martial Law ang lugar pero ganoon pa rin. Nakalulungkot mang sabihin pero parang naisumpa ang Mindanao sa kagulugan. Nakapako lagi sa ganoong pamumuhay ang mga tao roon. Buhay na buhay ang karahasan…
Read MorePUNA NG ISANG SEXIST
Trending at usap-usapan pa rin ang tungkol sa pananamit ni Senator Risa Hontiveros nang magkaroon ito ng group photo kasama ang iba pang mga senador para sa pagbubukas ng 18th Congress noong Lunes. Kumalat ang larawan hanggang ang isang Twitter user ay walang prenong nagkomento na ang pananamit ng senadora ay nagpamukha ritong isang “thirsty slut”. Hindi tayo pro o against sa senadora pero sa totoo lang ay walang masama sa suot niya. Piña barong dress ang kanyang suot at hindi ito bastos. May skirt o undergarment siyang suot pero…
Read MoreTULONG SA MGA ESTUDYANTE, TULONG SA BAYAN
Maganda itong isinusulong na panukalang batas ni Senator Sonny Angara para sa kapakanan ng mahihirap na mga estudyante ng bansa. Ang Senate Bill No. 132 o ang proposed Underprivileged Student’s Discount Act of 2019 ay naglalayong matulungan ang mahihirap na mga magulang para maging malawak pa ang oportunidad ng kanilang mga anak na estudyante na makapag-aral nang maayos. Kapag tuluyang maging batas ito ay tunay na magko-compliment ito mismo sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ang Free College Law. Malaking kaagapay ito ng marami nating kababayang mahihirap…
Read MorePARA-PARAAN AT TIIS-TIIS MULI
Heto na naman tayo muli sa kawalan. Mawawalan na naman kasi ng tubig at kuryente sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at ibang panig ng Luzon. Kapag ganito talaga ang problema ay paunti na rin nang paunti hangang masaid na naman ang pasenya natin sa mga kompanyang tagahatid ng mga pangunahing kailangan ng mga tao. Ang interruption sa tubig ay magsisimula sa araw na ito at tatagal ng pito hanggang 19 oras habang ang malawakang blackout ay mararamdaman ngayong linggo. Sana marami sa ating mga kababayan ngayon ang nakapag-ipon…
Read MoreHUWAG NA
Ang pahabain pa ang termino ng mga kongresista bilang pagnanais ng isa ring kongresista ay hindi naman na kailangan at isang malaking “huwag na”. Naroon kasi ang pagnanais na mula sa dating 3 taon ay ninanais itong gawing apat na taon with no term limits, o limang taon na may term limits. Sa ilalim kasi ng 1987 Konstitusyon, ang mga miyembro ng House of Representatives ay pinapayagan na maglingkod sa isang termino na tatlong taon at hindi hihigit sa tatlong magkakasunod na termino. Ang tanong kasi ng publiko diyan ay…
Read MoreHINDI NAMAN KASI TAMA ANG MAGING EPAL
May mga politiko na kahit mga buhay pa naman ay naroong laging nagpapakilala at gustung-gusto na nakikita ng publiko ang kanilang mga pangalan sa kung saan-saan, maging sa mga paaralan. Talaga namang hindi na pinatawad. Ito ngayon ang nasisita ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang nasasakupan. Nagbaba ito ng kautusan na tanggalin ang mga pangalan ng mga politiko mula sa mga pribado at pampublikong paaralan. Andon ang pahayag ng alkalde na huwag politikahin ang mga paaralan. Matatanggal na ang mga ganyang paepal na aktibidad. Mabuti naman kung ganoon. Hindi…
Read MorePARA SA MGA LOLO AT LOLA
Bagama’t nasa kultura nating mga Filipino ang sinasabing close family ties, may pagkakataon pa rin na nagiging isyu ito kapag nag-iiba na ang panahon lalo na para sa ating mga dumaraming senior citizens. Nangyayari ito dahil naiiba na rin ang henerasyon ngayon, gayundin ang uri ng pamumuhay kaya’t parang nababalewala at nawawalan din ng tamang atensyon para sa mga senior. At habang dumarami ang ating mga senior citizen ay nag-iiba rin naman talaga ang kanilang mga pangangailangan o hamon sa buhay. Marami na silang mga pangangailangan na hindi na tulad…
Read MoreAASAHAN NAMIN, MAYOR ISKO
Kailanman ay hindi ako nanirahan sa siyudad ng Maynila pero halos araw-araw akong naroon magmula nang magkolehiyo hanggang magkaroon ng trabaho sa lugar na ito noon. Saksi ako sa halos araw-araw ding kalagayan ng Maynila. Hanggang ngayon pa rin naman ay napapadpad ako sa lugar na ito, halos ganoon pa rin naman. Parang kamukha na ng Maynila ang isang katabi pa niyang lugar na “City” pa man din ang tawag, pero marumi naman. Iba ang itsura ng Maynila noon. Napakarumi. Umulan at umaraw ay may mga basurang wala sa tamang…
Read More