UMISKOR ang reigning three-time champion Arellano University ng 27-25, 25-20, 25-20 win laban sa Lyceum of the Philippines University, sa pagsisimula ng Season 95 NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre. Mula sa 23-22 count pabor sa Lady Pirates, umatake ng hits si Regine Arocha para selyuhan ang first set win ng Lady Chiefs. Si Arocha ay may 18 kills, nine receptions at right digs upang pangunahan ang Arellano sa una nitong panalo. Huling taon na ni Arocha, na nangakong lahat ay gagawin para matulungan ang Arellano…
Read More