HINDI pa talaga rumaratsada ang tag-ulan nagkasira-sira na ang tinatayang P500-M o kalahating bilyong pisong “slope protection project” sa kahabaan ng Sta. Rita River na tumatagos mula Brgy. Old Cabalan hanggang Brgy. Kalaklan ng Olongapo City. Tingnan Natin: ang “slope protection project” ay panlaban sa pagguho ng lupa na, bukod sa panganib sa mga kabahayang matitibag, ay panlaban din sa pagbabaw ng ilog at resulta nitong pagbaha. Binuhusan ito ng pondo at gana-gana ang mga contractor, at malamang, sina Edi – alam niyo na. Pero sa kabila nito, balahura ang…
Read MoreTag: TINGNAN NATIN
SILTATION O PAGBABAW NG SUBIC BAY
UMULAN ng may kahabaan nitong nakaraang linggo sa Subic Bay Freeport at nagbaha sa mga lugar na taunan nang binabaha rito. Tingnan Natin: 1992 nang isara ng US Navy ang base militar nila rito matapos ibasura ng Senado ang tratado sa patuloy sanang magpapanatili ng mga Amerikano. Kahit matagumpay na nagawang Freeport at Economic Zone ang Subic, hindi na nabigyang pansin ang mga dati ay regular na minamantinang imprastraktura noong panahon ng US Navy. Sagana sa pondo ang US Navy noon, hindi gaya ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang…
Read MoreOVERPASS VS. PUNONG ACACIA SA SUBIC FREEPORT
MAGKABANGGA talaga ang development o pag-unlad at kalikasan. Tingan Natin: kailangang balansehin ang kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan, ayon tayo diyan. Kapag binalanse, mayroong bibigay sa magkabilang panig, dahil kung hindi, hindi mababalanse at walang mapagkakasunduan. Ito ang dilemma o kalagayang alanganin sa mga negosyo, konstruksiyon at iba pa na may masasaling sa kalikasan. Tingnan Natin: dekada na buhat ng isinara sa mga behikulo ang Main Gate bridge papasok ng, at palabas mula, Subic Bay Freeport dahil hindi na umano ligtas liban na lang para sa pedestrian, kaya ganoon na…
Read MorePANGAMBA NG MGA MANGINGISDA
HINDI biro ang hanapbuhay na pangingisda. Tingnan Natin: pumapalaot, nabibilad sa init ng araw at lamig ng gabi, inaalug-alog ng mga alon, at nangangamba sa pagsama ng panahon, at maging sa mga pirata. Ang masaklap, ayon sa mga mangingisda natin dito sa Zambales, sa West Philippine Sea dagdag na inaalala ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat ng mga Intsik. Paano ba naman, binubunggo ang bangka at iniiwan ang mga mangingisdang lulutang-lutang, makaligtas o malunod, bahala na si Batman. Tingnan Natin: totoo naman ang pangamba dahil kailan lang, isang…
Read MoreKONDENAHIN NG SENADO ANG PAMBU-BULLY NG CHINA
NATUTUWA tayo sa mga pahayag ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng pambabangga at paglubog ng bangkang pangisda, at pag-iwan sa 22 mangingisdang Pinoy na lulutang-lutang sa dagat para mamatay. Tingnan Natin: hanggang kailan pa natin malulunok ang pambu-bully ng China? Tanong ni Senador Lacson. Ang pinakahuling insidente ay muling pagsubok sa respeto at pagtitimpi, aniya, respeto sa bahagi ng China at pagtitimpi ng Pilipinas. Sukdulan na ang pambabastos sa Pilipinas at mga Filipino ng pamunuan ng China, at ito’y hindi na bago. Tingnan Natin: malaking kontribusyon dito ang mga nauna…
Read MorePROBLEMA ANG BAHA SA SUBIC BAY FREEPORT
HALOS tiyak na naman ang magaganap na mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Subic Bay Freeport itong pahahon ng tag-ulan at sa susunod pang mga taon. Tingnan Natin: noong nakaraang taon, binaha ng “bigtime” ang Central Business District (CBD), ang Tipo Road, El Kabayo at iba pang bahagi ng Subic Freeport. Marami ang napinsala, nasirang mga gamit, sasakyan at mga transaksyong hindi natuloy at marami pang ibang masamang epekto sa negosyo na maaaring daan-daang milyong piso, kung hindi bilyon, ang naglahong parang bula dahil sa mga pagbaha. Tingnan Natin:…
Read MoreAYAW SA BASTOS, EH BAKIT ANG IBANG OPISYAL?
SUMOBRA ang banat ni Erwin Tulfo kay Dept. of Social Welfare & Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista nang tumanggi itong magpa-interview sa kanyang teleradyo program. Tingnan Natin: hindi dapat dumaranas ng ganoong pang-aalipusta hindi lamang si Bautista kundi kahit na sinong tao, mayaman, mahirap, sibilyan o militar. Pero itong panghihimasok ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa isyu, tingin natin, ay wala sa lugar. Ang pambabastos ni Tulfo kay Bautista ay hindi laban sa Sandatahang Lakas, patungkol ito kay Bautista bilang miyembro ng gabinete ng pamahalaang sibilyan ni…
Read MoreHINDI BASURAHAN ANG PILIPINAS
HABANG tinitipa natin ang kolum na ito, kandarapa pa ang mga kinatawan ng sari-saring media companies sa pag-cover sa pagbabalik sa Canada ng mga container vans ng basura na nakatengga sa Subic Bay International Terminal, Corp. (SBITC) sa Subic Bay Freeport. Tingnan Natin: noon pang 2013-2014 dumating ang may 103 container vans ng basura mula sa Canada pero ngayon lang maibabalik ang mga ito matapos ang masidhi, maingay at determinadong pagtutol ng maraming sektor laban sa paggawang basurahan ang Pilipinas ng ibang bansa. Hazardous at toxic umano ang naturang basura…
Read MorePALPAK NA NLEX, MMDA, PNP-HPG AT IBA PA
PARA sa mga gaya natin na tagaprobinsya, ang banggit pa lamang ng pagluwas sa Metro Manila ay nakapapagod na dahil nga sa buhul-buhol na daloy ng trapiko na malamang bubunuin. Tingnan Natin: sa kahabaan ng EDSA, mula Balintawak, QC hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umaabot na ng 2-4 na oras ang biyahe, kasinghaba o doble pa mula Subic hanggang Balintawak. Ganoon din pabalik. Naniniwala tayo na sa kabila ng volume ng mga sasakyan, maiiwasan ang sobrang bagal o patigil-tigil na daloy ng trapiko kung: isa, alam ng mga kinauukulan…
Read More