Itinaas ng ratings agency na Standard & Poor’s ang credit rating ng Pilipinas, o ang sinukat na antas ng abilidad ng bansa na bayaran nito ang mga utang nito. Ang ibig sabihin nito ay mas lalong bababa ang interes sa mga utang ng bansa at mas lalaki pa ang pondo ng gobyerno para sa mga proyekto nito. Noong ako ay isang opisyal sa Malacañang sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, naging malaking proyekto ng pamahalaan ni Arroyo na pataasin ang credit rating ng Pilipinas bilang solusyon sa taunang budget…
Read MoreTag: USAPANG KABUHAYAN
MAS LUMAKAS ANG EKONOMIYA SA MGA REHIYON PERO MANIPIS PA RIN ANG ATING PITAKA
Naging mas malakas noong 2018 ang mga negosyo at kabuhayan sa mga rehiyon ng Pilipinas sa pangunguna ng Bicolandia na nagtala ng pinakamalaking antas ng paglaki ng ekonomiya nito. Pero ang National Capital Region o Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon pa rin ang may pinakamalaking kontribusyon sa buong ekonomiya ng ating bansa dahil halos kalahati ng kita ng buong bansa ay nanggaling sa tatlong rehiyon na ito nu’ng isang taon. Sa pinakahuling balita ng Philippine Statistics Authority (PSA), naging lider ang Bicolandia kung tutuusin ang 8.9 porsyento na paglaki…
Read MorePRESYO NG ASUKAL TUMATAAS DAHIL SA CARTEL
Nagtataka ang dalawang opisyal ng Sugar Regulatory Authority (SRA) dahil tumataas ang presyo ng asukal sa mga palengke at supermarket kahit na sapat ang supply ng asukal sa bansa. At base sa kanilang imbestigasyon, nakita nilang hindi naman nagbabago ang presyo ng asukal na ibinebenta ng mga sugar mills sa mga traders na nagre-repack ng mga asukal para sa merkado. Ayon kay Dino Yulo at Roland Beltran na mga miyembro ng SRA Board, lumagpas na sa P60 na limit kada kilo ang presyo ng asukal sa palengke at mga supermarket…
Read MoreMAYAYAMANG NEGOSYANTE LALABAS NG BANSA PARA KUMITA PA NANG TODO
Napabalita kahapon na nakatakdang lumabas ng bansa ang mga mayayamang negosyanteng Pinoy para mag-invest sa mga bagong negosyo sa ibang bansa gaya ng mga Ayala, si Manuel V. Pangilinan o MVP, at maging ang mga Gokongwei at Sy families. Masyado na raw masikip ang kompetisyon dito sa bansa kaya lumiliit ang kita nila kaya para mas lumaki ang hawak nilang pera ay dapat ilagay sa mga bansa na sila ang pwedeng humawak ng supply ng mga produkto o serbisyo nang walang masyadong kalaban sa negosyo. Magugulat kayo siguro kung ganito…
Read MoreBILYONG TUBO SA TUBIG MULA SA TUYONG GRIPO
Nagulat ang marami nang mag-anunsyo kamakailan ang magkapatid na bilyonaryo na sina Jaime Augusto at Fernando Zobel de Ayala na inaako nila ang kasalanan sa naging pahirap na water shortage sa milyun-milyong residente ng Metro Manila nitong nakaraang buwan at bilang parusa ay inililibre nila ang bayad sa tubig doon sa mga lugar na tinamaan ng total cut-off. Isa ako sa mga hindi magbabayad ng water bill sa buwan ng Marso dahil isang oras kada araw sa loob ng dalawang linggo lang ang aming water supply sa Mandaluyong. Pero sa…
Read MorePILIPINAS IPIT NA IPIT SA AWAY NG KANO AT INTSIK
Matagal na nating alam na ang Amerika at ang Tsina ay nasa gitna ng isang matinding kompetisyon kung sino sa kanila ang magiging lider ng mundo lalo na sa Asya. Nagsimula ang kompetisyon noon pa lang isang imperyo ang Tsina at papaangat ang Amerika bilang may pinakamalakas na pwersa-militar sa mundo at sentro ng makabagong teknolohiya at siyensya. Isang bayan para gawing demokratiko at Kristiyano ang Tsina para sa mga Amerikano noong isang imperyo pa ang Tsina. Nang maging malapit sa Amerika ang Tsina noong panahon ni Deng Xiaoping, walang…
Read MoreMALAKAS NA EKONOMIYA PERO MAHINA ANG BULSA
Bumabagal daw ang paglaki ng ekonomiya ng buong mundo dahil sa epekto ng mas mabagal na ekonomiya ng malalaking bansa at ang trade war ng Amerika at Tsina. Pero kahit na bumagal man ang akyat ng ekonomiya ng buong mundo ay matibay naman daw ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa nakatayo ito sa matibay na pundasyon ng malinaw na patakaran tungkol sa kalakalan, supply ng pera at katatagan laban sa anumang problema ng mga ekonomiya ng ibang bansa. Ito ang naging resulta ng pag-aaral ng think tank na Oxford Economics…
Read MoreMGA DAGDAG-GASTOS NA HINDI NATIN ALAM
Madalas ‘pag may ginagawang solusyon sa mga problemang hinaharap ng taumbayan ang gobyerno ay iniisip ng marami na hindi na sila gagastos. Pero sa totoo lang ay lahat ng proyekto ng gobyerno ay nababayaran galing sa buwis na kinokolekta nito, at sa Pilipinas ay may buwis ang lahat ng bagay maliban sa paghinga. Inisip ng pamahalaan noong 1997 na gaganda ang serbisyo sa publiko sa pagbibigay ng kontrata para suplayan ng tubig ang Metro Manila at mga karatig na lugar ng dalawang kompanya na pag-aari ng mga pinakamayamang pamilya sa…
Read MoreAWAY SA BUDGET DAHIL SA MATAGAL NG AWAY NINA GLORIA AT PING
Lumalabas sa bagong kasunduan sa pagitan ng Senado at ng Kamara tungkol sa isyu ng 2019 General Appropriations Act (GAA) na dahil lang talaga sa matagal nang away sa pagitan nina Senador Panfilo Lacson at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang away kung sino ang tama o mali sa dalawang Kamara ng Kongreso. Ibabalik na raw ng Kamara o House of Representatives ang orihinal na GAA na pinagkasunduan ng bicameral conference committee ng dalawang Kamara para hindi na magprotesta ang Senado at mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang GAA at…
Read More