Balita ngayon na banned na ng ating gobyerno ang pag-aangkat ng mga baboy at mga produktong gawa sa baboy galing sa Japan matapos na i-anunsyo ng pamahalaan nito na pumasok na sa kanilang bansa ang kinatatakutan na African swine flu. Ang Japan ang pinakahuling bansa kung saan hindi na pwede tayong umangkat ng baboy dahil sa African swine flu o ASF. Nauna nang na-ban ang importasyon ng baboy galing China, Russia at mga bansa sa Africa at Europa dahil sa ASF. Ang virus kasi ng ASF ay nananatili sa karne…
Read MoreTag: USAPANG KABUHAYAN
SAYANG ANG PARAISO NG SULU
Kamakailan ay nagpunta tayo sa lalawigan ng Sulu upang personal na alamin ang sitwasyon matapos ang malagim na pambobomba sa Mt. Carmel church sa siyudad ng Jolo. Nagtungo rin tayo sa bayan ng Parang upang makisama sa inorganisang peace rally sa naturang bayan. Ito na ang pangalawang pagkakataon na napadpad tayo sa Sulu at sa loob ng mahigit dalawang dekada ay wala tayong nakitang pagbabago. Nagkalat pa rin ang mga sundalo at matamlay pa rin ang kalakalan. Sa napakaraming mga lugar na napuntahan natin, isa marahil ang lalawigan ng Sulu…
Read MoreHALAGA NG PERA, NASA GALAW NG KALAKALAN SA MUNDO
Isang matinding isyu na ibinato laban sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang taon ng 2018 ay ang pabagu-bagong halaga ng piso kumpara sa ibang pera sa mundo. Ayon mismo sa Department of Finance, ang piso natin ang pang-apat na pinakamahinang pera sa 12 bansa sa Asya na may malakas na kalakalan. Sinabi ni Finance Undersecretary Gil Beltran, ang chief economist ng Finance Department, na nagbago ang trend na pagbaba ng halaga ng piso nang biglang tumaas ng halos isang porsyento ang halaga ng piso nitong nakaraang buwan ng…
Read MoreP20 PER STICK NA YOSI AT ANG LIBRENG GAMUTAN PARA SA LAHAT
Tinatayang mga 30 milyong Filipino ang naninigarilyo, at marami sa kanila ang nasa panganib ng kanser sanhi ng usok ng sigarilyo at mga kemikal, kasama na ang formalin na ginagamit na pang-embalsamo ng patay na sumisira sa kanilang mga baga. Isa sa biktima ng sigarilyo ay ang aking tatay na na-stroke at pagkatapos ay nabalda at nagkaroon ng tuberculosis dahil sa tatlong kaha ng sigarilyo araw-araw. Simula noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay isinabatas na ang tinatawag na “sin” tax sa sigarilyo at alak. Mula sa koleksyon…
Read More