8 DRUGSTORE EMPLOYEES NAOSPITAL SA GAS LEAK

MAKARAAN ang anim na oras sa Manila Doctors Hospital, pinalabas ang walong empleyado ng Mercury drug, matapos makaramdam ng pagkahilo at paninikip ng paghinga dahil sa nalanghap na masangsang na amoy mula sa nag-leak na gas sa generator na binuksan nang mag-brown-out noong linggo ng tanghali sa Zamora St., Pandacan, Manila. Napag-alaman sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 10, kinilala ang mga empleyado na sina Ricky Pelayo, Juvy Muldong, Yna Angela Jose, Gielen Salvador, Anna Marie Pinel, Charlene Mae Ednante, Arlene Tanglao at Mar Rose Dongato, pawang empleyado ng…

Read More

KC MONTERO, HIGIT 100 IBA PA INARESTO SA MAKATI BAR

IPINAGHARAP ng reklamo ang ang mahigit 100 katao na nahuli sa Skye Bar sa 18th Floor, M1 Tower, 141 H.V. Dela Costa St., Brgy. Salcedo Village, Makati City dakong alas-5:35 ng hapon noong Linggo. Kabilang sa kinasuhan ang actor-TV host na si KC Montero o Casey Miller sa totoong buhay, at ang isa sa mga may-ari ng bar na isang Felix Maramba. Sina Miller, Maramba at mahigit 100 na iba pang local at foreign national ay dinakip sa bar sa Makati dahil sa hindi pagsunod sa social distancing kaugnay sa…

Read More

Masamang imahe ng NAIA burahin na – solon AIRPORT SA PINOY HINDI KAY NINOY

IPINAGTANGGOL ng isa sa mga mambabatas ang kanilang panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kailangang pangalan ng sambayanang Filipino ang makilala sa main gateway ng Pilipinas bukod pa sa dapat nang mabura ang masamang imahe nito. Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, bagama’t hindi umano nila isinasantabi ang kontribusyon ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino III sa bansa, ang Sambayanang Filipino aniya dapat ang makilala sa buong mundo at hindi ang pangalan ng dating senador lamang. “We just deem it more appropriate for our…

Read More

DYIPNI IBALIK SA LANSANGAN PERO….!

Kaisa tayo sa panawagan na ibalik na sa lansangan ang mga traditional na pampasaherong jeep lalo na sa Metro Manila dahil hindi pa sapat ang transport system natin para maisakay ang lahat ng mga commuters. Napakahalaga ng papel ng mga jeep sa ekonomiya ng bansa at hindi pa sapat ang bilang ng mga modernong Public Utility Vehicles (PUVs) dahil 300 unit pa lamang ang namamasada na malayong malayo sa 75,000 unit ng traditional jeep na namamasada para tugunan ang pangangailangan ng mga commuters. Pero, kapag pinayagan nang bumalik sa lansangan…

Read More

SEC DAR IPAGTATANGGOL SA P271-M SOBRANG PRESYONG PATABA

UMANGKAT ang Department of Health (DOH) ng personnel protective equipment (PPE) mula sa People’s Republic of China na ang inilabas na impormasyon sa media ay P1,800 bawat isa ang halaga. Tapos, isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson na P400 lang ang halaga ng parehong itsura ng PPE sa merkado ng Pilipinas na higit pang matibay kaysa PPE na “Made in China”. Dito na pumutok ang balitang “overpriced” ang PPE ng DOH. Sumunod ang balitang ­sobrang taas din ng presyo ng iba pang medical supplies na binili ng DOH. Ang isyung ito…

Read More

DOH PINAIIMBESTIGAHAN SA SENADO

doh

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Leila De Lima sa Senado ang ulat na pagkabigo ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang contact tracing laban sa COVID-19. Sa inihaing Senate Resolution no. 457 ni De Lima, nais nitong imbestigahan ang panibagong kabiguan ng DOH para masolusyunan ang pagkalat ng nasabing virus. “The problem of contact tracing remains a persistent issue that needs to be addressed as it gravely affects the government’s ability to formulate an effective public health response to the pandemic,” sabi nito. “An investigation…

Read More

POGOs, HUWAG NANG PIGILANG UMALIS

HINDI na dapat pang habulin ng gobyerno ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nais nang lumabas ng bansa dahil sa isyu sa pagbubuwis. Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasabay ng pagsasabing malinaw ang mga batas para sa pagbubuwis. Binigyang-diin nito na dapat magbayad ang mga POGO ng franchise at withholding taxes at dapat din nilang bayaran ang P50 bilyon nilang utang. Hinikayat din nito ang Bureau of Internal Revenue na ipatupad ang closure order sa mga delingkwenteng kumpanya. Samantala, hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang…

Read More

IMEE, DUDANG KAYANG SIMULAN ANG KLASE SA AUG. 24

DUDA si Senador Imee Marcos na kakayanin na ng Department of Education (DepEd) na simulan ang klase para sa school year 2020-2021 sa August 24. Sa Zoom press conference sa Senate Media, sinabi ni Marcos na dapat maging tapat ang DepEd kung kailan nila kakayanin ang pagbubukas ng klase. “We already told the DepEd, magkaisa kayo. Sabihin lang, magpakatotoo kayo, sabihin sa amin kung kailan ba talaga ‘yan. Kasi sa tingin natin two months to go, two months before the deadline, hindi pa talaga ready,” saad ni Marcos. Nilinaw naman…

Read More

RALLY KONTRA ILOILO BROWNOUT HINARANG

BINARIKADAHAN kahapon ng Manila Police District (MPD) ang buong Padre Faura sa Maynila matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa kilos protesta na isasagawa ng consumer group na Ilonggo Consumers Movement sa harap ng tanggapan ng Supreme Court (SC). Ayon kay MPD Station 5 Commander Lt Col. Ariel Caramoan, may 55 pulis ang kanilang dineploy sa lugar para magbantay laban sa mga raliyesta. Aniya, mahigpit na ipinagbabawal sa Inter Agency Task Force (IATF) Omnibus Guidelines ang pagsasagawa ng anomang protesta kaya naman kung magpupumilit ang grupo ay kanilang aarestuhin at maaaring…

Read More