BOC, WCO NAGSAMA PARA SA ‘PEOPLE DEVELOPMENT DIAGNOSTIC VIRTUAL MISSION’

Bilang bahagi ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang layunin na pagpapahusay ng personnel development, ang BOC sa pamamagitan ng Human Resource Management (HRM) Modernization Working Group, ay nakipag­miting sa World Customs Organization (WCO) para sa isang People Development Diagnostic Virtual Mission.

Ang virtual mission ay isinagawa sa pamamagitan ng sunod-sunod na online meetings at interviews na dinaluhan ng WCO Experts at BOC HRM Modernization Working Group na pinangunahan nina Si Mohamed EL HAIL, WCO People Development Prog­ramme Manager, at Donato B. San Juan, Chairperson ng HRM Modernization Working Group & Deputy Commissioner of Internal Administration Group (IAG).

Kasama ng inisyatiba ng BOC HRM Modernization Working Group Chairperson, ang WCO Experts ay sinuri ang Human Resource processes ng Bureau at ipipresenta ang kanilang rekomendasyon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero para sa kaunlaran at pagpapaganda ng mga proseso para maabot ang makabagong Human Resource Management.

Karagdagan nito, ang misyon ay may layunin din para masuri ang kritikal na kakayahan na kailangan at agwat sa loob ng konteksto ng ‘BOC’s modernization and reform programme, paying particular attention to the implementation of the World Trade Organization Agreement on Trade Facilitation’.

Ang virtual meetings at interviews ay sa layunin ding masuri ang papel ng HRMD pati ang iba pang may kaugnayn sa ‘BOC offices at mabatid ang kanilang competency management, job profiling, HR planning; strategic integration of people in BOC strategy; training, competency development, perform­­ance management approaches, and professional development in port operations, both in seaports and airports; integrity questions as they relate to people development; and remuneration and benefits in the Bureau’.

Ang Bureau of Customs, sa pamamagitan ng nasabing misyon, ay tinitiyak sa publiko na patuloy ang pagpapahusay sa kanilang Human Resource Management capabilities na naaayon sa WCO standards at international best practices para sa mas mabuti na pagsisilbi sa national at sa interest ng publiko. (Joel O. Amongo)

352

Related posts

Leave a Comment