DEPORTEES NG BI, HOLDAP MUNA BAGO DEPORT?

BISTADOR ni RUDY SIM SA pagtatapos ng APEC Summit na dinaluhan ng iba’t ibang lider ng bansa ay naging usap-usapan sa social media ang tila paglabag sa protocol ni PBBM upang makamayan si Chinese President Xi Jinping. Gayunpaman ayon sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay pinilit nitong lapitan ang lider ng Tsina upang magpakita ng magandang ugnayan ng dalawang bansa kahit na mayroong hidwaan sa West Philippine Sea. Matatandaang naging laman ng SONA ni PBBM kamakailan, ang pag-ban sa lahat ng Chinese nationals sa bansa na involved sa POGO, kung…

Read More

DRUG DEN NABUWAG SA NEGROS ORIENTAL, 3 TIMBOG

NATUMBOK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den matapos ang matagumpay na buy-bust operation sa bayan ng Sibulan, Negros Oriental. Batay sa ulat na ipinarating kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, tatlong drug personalities ang naaresto sa operasyon na kinilalang sina alias “Carl,” 25 anyos, residente ng Purok 4, Brgy. Bolocboloc, Sibulan; alias “Mark,” 19 anyos, residente rin ng Bolocboloc; at alias “John,” 19 anyos, taga-Brgy. Tubtubon, Sibulan. Matapos ang ilang araw na surveillance, ikinasa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office–Negros Island…

Read More

BUS NAWALAN NG PRENO, NAHULOG SA BANGIN SA QUEZON; 1 PATAY, 19 SUGATAN

ISA ang nasawi habang 19 ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang pampasaherong bus at mahulog sa bangin sa bahagi ng diversion road sa Brgy. Villa Arcaya, Gumaca, Quezon, nitong Miyerkoles ng gabi, Nobyembre 6. Batay sa ulat ng Gumaca Municipal Police Station, pasado alas-9:00 ng gabi nang mawalan ng kontrol ang Bobis Liner bus habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada patungong Maynila. Tumilapon ang bus sa may 20-talampakang bangin matapos masagasaan ang dalawang menor de edad na naglalakad lamang sa gilid ng kalsada. Kinilala ang nasawi na…

Read More

DILG sa LGUs: Bagyong Uwan paghandaan TINO DEATH TOLL 188, MISSING 135 – OCD

HABANG binabantayan ang pagpasok ng Tropical Storm Uwan, patuloy namang lomolobo ang bilang ng iniwang patay ng Bagyong Tino (International name: Kalmaegi) na umakyat na sa 188, habang 135 na iba pa ang iniulat na nawawala at 96 naman ang sugatan, ayon kay Office of Civil Defense (OCD) deputy spokesperson Diego Mariano nitong Biyernes ng umaga. Sa nasabing 188 death toll, ang 135 ay nagmula sa lalawigan ng Cebu; 24 mula sa Negros Occidental, siyam sa Negros Oriental, anim sa Agusan Del Sur, tatlo sa Capiz, dalawa naman sa Southern…

Read More

MOTORSIKLONG TINANGAY, NATUNTON SA SOCIAL MEDIA

CAVITE – Natunton at nabawi ang isang ninakaw na motorsiklo na pag-aari ng isang barangay tanod, sa pamamagitan ng social media, sa Dasmariñas City noong Huwebes ng madaling araw. Hawak na ng Dasmariñas Component City Police Station (CPS) ang mga suspek na sina alyas “Rolando”, 55, helper, ng Brgy. Salitran 4, Dasmariñas City, at “Regie”, 37, ng Brgy. Sto. Cristo, Dasmariñas City, kapwa nahaharap sa kasong carnapping. Ayon sa ulat, madaling araw noong Huwebes nang iparada ng biktimang si alyas “Alejandro”, 40, barangay tanod, ang kanyang motorsiklong Rusi Surf MP…

Read More

KLASE SA MAYNILA, SINUSPENDE NI YORME ISKO PARA SA MALAKING RALLY NG IGLESIA NI CRISTO SA LUNETA

MAAGANG sinuspinde ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod sa Nobyembre 17 at 18, bilang paghahanda sa inaasahang malaking rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Luneta. Batay sa kautusan ni Yorme Isko, lahat ng paaralan sa Maynila ay dapat mag-shift sa Alternative Delivery Mode (ADM) o online learning sa loob ng dalawang araw ng suspensyon. Ayon sa alkalde, magbibigay ang pamahalaang lungsod ng perimeter support na kinabibilangan ng traffic management, parking assistance, police deployment,…

Read More

2 KILLER NG MASAHISTA SA HOTEL, ARESTADO NA

ARESTADO na ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang babaeng masahista sa isang hotel sa Sta. Mesa, Manila noong Oktubre. Ayon sa Manila Police District (MPD), Oktubre 22 ng hapon nang mag-check-in sa hotel ang dalawang suspek at ang biktima. Dalawang kuwarto ang inupahan ng lalaki para sa babaeng suspek at biktima na kanilang inarkila. Kinabukasan, Oktubre 23, napansin ng hotel staff ang mga suspek na nagmamadaling umalis at pagkaraan ay nadiskubreng nakagapos at nakadapa ang masahistang biktima at wala nang buhay. Sa isinagawang imbestigasyon, nalaman na sinakal ng kumot…

Read More

DOLE: NASALANTA NG BAGYONG TINO, TUTUGUNAN

BILANG tugon sa naging epekto ng pananalasa ng bagyong Tino– ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office VII ay agad na nagpakilos ng rapid response team upang suriin ang pinsala sa mga negosyo at alamin ang mga nawalan ng trabaho upang masiguro na makatatanggap ng naangkop na tulong mula sa ahensya. Ayon sa DOLE, ang mga lugar na labis na naapektuhan ay ang Danao City (300 establishments), Compostela (130), at Liloan (65) base sa inisyal na datos na nakalap ng Cebu Provincial Field Office (CPFO). Sinabi ni Regional…

Read More

‘EMMAN ATIENZA BILL’ SUPORTA NG MANILA CITY COUNCIL

SUPORTADO ng Manila City Council ang “Emman Atienza Bill” na naglalayong protektahan ang mga kabataan laban sa online harassment. Ang batas na ito ay inihain ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito bilang pag-alala kay Emmanuelle “Emman” Atienza na nakaranas ng cyberbullying. Sa isang pahayag, sinabi ni Vice Mayor Chi Atienza na sana’y magsilbing aral ang nangyari sa kanyang pamangkin na kailangan nating ipagtanggol ang ating mga anak sa digital world. Hinikayat din ng bise alkalde ang publiko na mag-ingat sa mga salitang binibitawan at magpakita ng kabutihan araw-araw. “Sana’y…

Read More