DALAW SA PRESO, KALABOSO SA SHABU

0

KALABOSO ang isang lalaki na dumalaw sa kanyang mga kaibigan na nakakulong sa Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD), matapos mahulihan ng dalawang sachet ng umano’y shabu noong Huwebes ng gabi

Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang arestado na si Glen Kevin Zuñiga, 27-anyos, residente ng Brgy. West Fairview.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi noong Enero 21, si Zuñiga ay dumalaw sa kanyang mga kaibigan na sina Edwin Legarda at Renald Custodio na kasalukuyan na nakakulong sa PS-5 dahil sa illegal drugs.

Sa routine inspection, nadiskubre ng duty jailer ang isang sachet ng umano’y shabu sa pagitan ng sachets ng mga kape sa dalang pasalubong ng suspek na naging dahilan upang ito ay arestuhin.

Samantala, arestado rin sa mga operatiba ng Fairview Police Station 5 ang drug suspects na sina Danilo Aquino, 33; Rolly Lontayaw, 45; Raymondo Tolentino, 32; Rosalie Millete, 53; Ma. Niña Ocampo, 23, at Vincent Pepito, 32, sa buy-bust operation noong noong Enero 21 sa Camaro St., Brgy. Greater Fairview.

Nakumpiska sa mga ito ang walong sachet shabu na P13,600 ang street value. (JOEL O. AMONGO)

Related posts

Leave a Comment