SPA SA MAKATI P3-K ANG ‘SEX FEE’

13 BABAE NASAGIP SA RAID

NAHULI sa akto ang isang therapist na magsasagawa ng ‘sexual extra service’ habang nasagip ang 13 iba pa sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa isang spa sa Brgy. Poblacion, Makati City, nitong Martes ng madaling araw

Sa pagitan ng ala-una at alas-tres ng madaling araw, maingat na isinagawa ng mga tauhan ng Makati SIDMS, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines Jr. at ng Women and Children’s Protection Section, sa pangunguna ni P/Lt. Mylene Juan, ang rescue operation sa mga massage therapist sa SPA Osaka sa #5353  Gen. Luna St. kanto ng Mariano St., Barangay Poblacion, Makati City

Isang police asset ang pumapel na customer at nang maibigay ang P3,000 halaga sa isa sa mga therapist para sa sexual intercourse sa Room 3 ng Osaka Spa, ay agad siyang nagbigay ng hudyat sa mga operatiba para salakayin ang nasabing establisimiyento.

Nakuha sa show room ng Spa Osaka ang iba’t ibang sex pharaphernalia.

Samantala, hindi inabutan ng mga awtoridad ang may-ari ng Spa Osaka na kasalukuyang pinaghahanap pulisya.

Ayon kay P/SSgt. Glen Marvin Gallero, investigator on case, mananatili muna sa ngayon sa kustodiya ng Women’s Desk ang 13 kababaihan para sa beripikasyon at ebalwasyon para sa magiging aksyon ng pulisya. (DAVE MEDINA)

 

Related posts

Leave a Comment