‘BODY SWITCHING’ SA BILIBID Bubusisiin sa Kongreso

0

NAIS alamin ng Kongreso ang katotohanan sa pangamba ng publiko na posibleng hindi ang mga high profile inmate partikular ang mga drug convict ang mga sinasabing namatay sa COVID-19 sa National Bilibid Prison.

Nabatid na lumutang ang anggulong bodyswitcing lalo na at na-cremate ang bangkay ng mga umano’y high profile inmate kaya pinagdududahan na nakalaya ang mga ito at hindi totoong namatay.

Mismong ang vice chairman ng House committee on justice na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang interesadong alamin kung may katotohanan ang espekulasyong ito ng publiko kayanagpatawag ito ng imbestigasyon.

“There were even reports of ‘body-switching, in which dead prisoners who are cremated due to COVID-19 are falsely identified so that high profile inmates could go free,” ani Rodriguez.

Lumutang ang mga espekulasyong ito matapos itago ng Bureau of Corrections (BuCor) ang impormasyon hinggil sa pagkamatay ng mga inmate matapos umanong dapuan ng COVID-19 ang mga ito.

Base sa mga report, 29 ang inmate na namatay sa COVID-19 simula Mayo 30 hanggang Hulyo 18, kung saan ang pinakahuling nasawi umano sa COVID-19 ay ang convicted carnapper at kidnapper na si Jaybee Sebastian at lahat ng bangkay ng mga ito ay agad na ipina-cremate.

“There are too many questions and mysterious circumstances surrounding the ‘death’ of these inmates and there is a need to look further and investigate the matter,” ani Rodriguez sa kanyang House Resolution (HR) 1090.

Maging ang Mabakayan Bloc sa Kamara ay naghain na rin ng resolusyon para imbestigahan ang misteryo sa Bilibid dahil hindi makapaniwala ang mga ito na nagkaroon ng hawaan sa COVID-19 lalo na sa hanay ng mga high profile inmate.

“Whereas, some of the reported infected inmates came from Bulding 14, a high secured facilitiy for high-profile prisoners. Building 14 has less inmates, separate cells, and better distancing than the general prison population, yet, has a highest reported percentage of infections and deaths,” nakasaad sa HR 1075 ng Makabayan bloc. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment