Marcos angat din sa 2022 presidential bets MAYOR SARA UNA SA OCTA SURVEY

0

SI Davao City Mayor Sara Duterte pa rin ang nangunguna at ang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng OCTA Research noong Hulyo.

Sa OCTA’s Tugon ng Masa National Survey na isinagawa sa buong bansa mula Hulyo 12 hanggang 18, inihayag ng 28% ng adult Filipino respondents na suportado nila ang “probable presidential bid” ni Sara sa Eleksyon 2022.

Nakadikit kay Sara si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha ng 13%, kasunod sina Manila Mayor Isko Moreno, 11%, at Senators Grace Poe at Manny Pacquiao na kapwa nakakuha ng tig-10%.

Pasok din sa presidential poll sina Vice President Leni Robredo, Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, at Senator Christopher “Bong” Go sa 5%; Senate President Vicente Sotto III, 3%; Senator Panfilo Lacson, 2%; former vice president Jejomar Binay, 2%; at sina Senator Richard Gordon at former Senator Antonio Trillanes sa 1%.

Habang 6% ng adult Filipino respondents ang nagsabing hindi pa nila batid kung sino ang kanilang iboboto, tumangging magtukoy ng pangalan ng kandidato, o nagsabing hindi sila boboto sa 2022 presidential elections.

Nabatid din sa survey na 18% sa mga respondent ang sumusuporta kay Duterte para sa probable vice-presidential bid nito.

Sumunod kay Duterte sina Moreno na nakapuntos ng 11%; Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, 10%; Poe, 10%; at Marcos sa 9%.

Sinundan sila nina Sotto, 7%; Pacquiao, 6%; Escudero, 5%; at sina Go at Lacson na kapwa nakakuha ng 4%.

Isinagawa ng OCTA Research ang face-to-face interviews mula Hulyo 12 hanggang 18 sa 1,200 respondents na may gulang na 18-anyos pataas. Ang resulta ng survey ay may 95 percent level of confidence at may sampling margin error of ±3 percent.

Kaugnay nito, ikinalugod ni Marcos ang resulta ng naturang survey na nagpapakita ng kanyang patuloy na pag-ani ng tiwala at suporta ng mamamayan.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment