Sa iringan sa PDP-Laban PRESIDENTIAL BID NI PACQUIAO MASISILAT

0

WALA pa ring katiyakan kung si Senador Manny Pacquiao na nga ang magiging presidential candidate ng ruling party PDP-Laban na mayroong dalawang paksyon – ang isa ay pinangungunahan ng mambabatas habang ang isa ay pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa anunsyo ni Pacquiao ukol sa kanyang Eleksyon 2022 presidential bid.

“Karapatan po niya tumakbo,” ayon kay Sec. Roque.

“Pero hindi ko po alam kung ano ang magiging desisyon ng Comelec (Commission on Elections) kung siya ang puwedeng magdala ng pangalan PDP-Laban sa eleksyon,” dagdag na pahayag nito.

Ang PDP-Laban Cusi faction, na sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na umuupo bilang party chairperson, ay hiniling na sa Comelec na ideklara ang Pacquiao faction na illegitimate.

Isa si Sec. Roque sa mga senatorial bets ng PDP-Laban Cusi faction para sa Eleksyon 2022.

Subalit, iginiit ni Pacquiao na nananating sila ang lehitimong PDP-Laban group kasama ang anak mismo ng founder ng partido na si Sen. Koko Pimentel.

Ang parehong paksyon ay nagpahayag na ang pagsasagawa ng “illegal” assemblies ay hindi awtorisado ng party leadership. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment