DUTERTE INIUTOS ANG AGARANG PAMAMAHAGI NG LUPA SA REBEL RETURNEES

0

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang gabinete na bilisan ang pamamahagi ng lupain sa rebel returnees.

Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sinabi nito na nakatakdang mamahagi ang pamahalaan ng 6,406.6 ektarya ng lupain sa mga dating rebelde.

“Gusto natin mapabilis ang pag-distribute nito. Alam nating napakalaki ng role nito para sa ating peace efforts,” ayon kay CabSec Nograles.

Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang Gabinete, Lunes ng gabi.

Magugunitang, noong nakaraang linggo ay nagbigay ng amnestiya si Pangulong Duterte sa ilang miyembro ng mga rebeldeng grupo.

Batay sa Proclamations No. 1090 to 1093 na nilagdaan ng Pangulo nitong Pebrero 5, binigyan ng kapatawaran ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF); Moro National Liberation Front (MNLF); Rebolusyonaryong Partidong Manggagawang Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade Tabara Paduano Group (RPMP-RPA-ABB); Communist Terrorist Group.

Kabilang sa sakop ng amnestiya ang mga krimen tulad ng rebellion o insureksyon, Conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; Disloyalty of public officers or employees; Inciting rebellion or insurrection; sedition; conspiracy to commit sedition; Inciting to sedition; Illegal assembly; Illegal association; Direct assault at indirect assault,

Gayundin ang resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person; Tumults and other disturbances of public order; Unlawful use of means of publication and unlawful utterances; Alarms and scandals; Illegal possession of firearms, ammunition or explosives kung saan kapag ginawa ang kirmen ay may kaugnayan sa krimen o insureksyon.

Kabilang din dito ang mga nakaditine at mga nasasakdal dahil sa krimeng political na paniniwala, su­balit hindi saklaw ang mga nakasuhan sa ilalim ng Human Security Act of 2007 o Anti Terror Act of 2020.

Hindi kasama sa amnestiya ang mga may kasong kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism at iba pang labag sa Revised Penal Code, paglabag sa comprehensive Dan­gerous Drugs Act of 2022 at ang mga kasong kinilala ng United Nations bilang paglabag sa huma­nity tulad ng giyera, torture at paglabag sa karapatang pantao. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment