PARA BALIKAN NG KA-LIVE-IN, LOVER BOY PUMATAY NG KAANAK

KORONADAL City – Sa ngalan ng pag-ibig, pinatay ng isang isang lalaki ang mag-asawang kanyang kaanak, iniulat nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito.

Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Paul John Membrado, 19-anyos, obrero at residente ng Prk. Maligaya, Brgy. Magsaysay, Koronadal City.

Habang kinilala naman ang mag-asawang pinatay na sina Arturo Aquino, 68, isang retiradong opisyal ng Philippine Army, Erlinda, 75, retired midwife, at kapwa residente sa nasabing lugar.

Batay sa report ng Koronadal PNP, nadakip ang suspek nitong Lunes ng gabi sa isinagawang follow-up operation sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, pinagsasaksak ng suspek ang mag-asawa sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nilang ikinamatay.

Ayon sa suspek, pinatay niya ang mag-asawa makaraang mangako ang kanyang dating live-in partner na makikipagbalikan sa kanya kapag nakapatay siya.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagpatay sa mag-asawa.

Nahaharap ang suspek sa kasong double murder. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment