KUDETA SA 18TH CONGRESS OPENING, MALABO – SOLON

congress1

(ABBY MENDOZA)

MARIING itinaggi nina Albay Rep. Joey Salceda at Anakalusugan Rep. Mike Defensor na may mangyayaring kudeta o pag-aaklas sa pagbubukas ng 18th Congress sa Lunes.

Paliwanag ni Salceda, malabo ang sinasabing kudeta lalo at malinaw ang naging pahayag ni Pangulo Rodrigo Duterte na magkaroon ng term sharing sa House Speakership at mauuna si Taguig Rep Alan Peter Cayetano.

Giit naman ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor sinabi nito na inirerespeto ng mga kongresista ang naging pag endorse ng Pangulo kina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker kaya malayong may mangyaring kudeta.

Sa ngayon ay naayos na  umano ang organization sa Kamara kabilang dito ang magiging mga Deputy Speakers at sa Lunes ay paplantashin na kung sinu- sino ang hahawak ng mga Committee Chairmanship.

Nauna nang inihayag ni Presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na mayroong speaker aspirant ang maaring magpasimuno ng kudeta sa mauupong lider ng Kamara sa pagbubukas ng 18th Congress subalit malambot naman ang posisyon dito ng mga mambabatas dahil mismong ang Pangulo na umano ang nagsalita sa kung sino ang House Speaker.

Samantala, patuloy ang preparasyon sa Batasan Complex para sa State of the Nation Address.

Nabatid na mga awiting naging bahagi na ng kasaysayan ang sasalubong sa mga dadalo sa ika-apat na SONA ng Pangulo.

Sinabi ni Cultural Center of the Philippines President Arsemio Lizaso na tutugtog sa  mismong araw ng SONA ang Philharmonic Orchestra at kundiman ang kanilang aawitin para sa mga panauhin.

Aniya, libre ang kanilang gagawing pagtatanghal upang mapanood ito ng publiko.

Pupuwesto ang mga ito sa main lobby ng House of Representatives kung saan magsisimula silang magtanghal ganap na alas 2:00 ng hapon hanggang bago magbukas ang Joint Session ng 18th Congress.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DIREK JOYCE, PDU30 MAGHAHARAP

bbjoyce22

(NI BETH JULIAN)

MAGHAHARAP sa Sabado o Linggo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Director Joyce Bernal.

Sinabi ni Presidential Commuications Office Secretary Martin Andanar na nais malaman ni Bernal kung ano ang ilalaman ng talumpati ng Pangulo para mailapat ang tamang diskarte at produksyong teknikal.

Nilinaw naman ni Andanar na ang Pangulo lang ang makahahawak ng pinal na kopya ng kanyang speech.

Ayon kay Andanar mismong si Pangulong Duterte ang sumusuri at nage-edit ng kanyang speech.

Sa ngayon ay tumanggi pa si Andanar na ilabas ang mga isyu na posibleng matalakay ng Pangulo sa State of the Nation Address (SONA) at hindi rin masabi pa kung gaano katagal magtatalumpati ang Pangulo.

Please follow and like us:
Read More

OSPITAL SA MGA OFW ITATAYO NI DU30

duterte32

(NI BETH JULIAN)

DESIDIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na malikha ang Department of OFW para hindi na naloloko at nabibiktima ang mga kababayang Filipino ng mga illegal recruiter.

Bukod dito, ipinangako rin ng Pangulo sa mga OFW at sa mga pamilya ng mga ito ang pagkakaroon ng sariling ospital sa sandaling nalikha na ang Department of OFW na target nitong mailunsad sa December.

Magtatalaga ng babaeng police attache sa mga bansa na maraming OFW ang Pangulo sakaling maipatupad na ang ahensya.

Ang mga babaeng police attache ang magpaparating sa Pilipinas ng mga concerns ng mga OFW na nagkakaroon ng problema sa ibang bansa.

Inalok din ng Pangulo ang mga OFW na magsanay sa TESDA para magkaroon sila ng  hanapbuhay sa Pilipinas.

Please follow and like us:
Read More

DU30 NAGTITIMPI VS CHINA PARA SA OFWs

du30china33

(NI BETH JULIAN)

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinangangalagaan niya ang kapakanan ng mga OFW kaya hndi niya maaway ang China.

Binigyan diin ng Pangulo na nasa 400,000 mahigit na Pinoy workers ngayon ang nasa China.

Ayon sa Pangulo, pala-away siyang tao pero sa mga bansang alam niyang maraming mga Filipino ay nagtitimpi siya.

Sinisikap umano niya na maging kalmado para hindi maapektuhan ang kalagayan ng mga Pinoy OFW.

Matatandaan na matindi ang paghamon ng mga kritiko ng Pangulo na labanan o giyerahin ang China dahil sa isyu ng pag-aagawan sa karagatan na bahagi ng West Philippine Sea.

Isa rin sa paghahamon sa Pangulo na labanan ang China matapos ang insidente ng pagbangga sa pangisdang bangka ng 22 Pinoy ng Chinese vessel  sa Recto Bank noong Hunyo 9.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 SA COA: SISTEMA SA AUDIT, SIMPLEHAN

duterte12

(NI BETH JULIAN)

IPAKIKIUSAP ni Pangulong Rodrigo Roa Dutrerte sa Commission on Audit (COA) na simplehan ang kanilang sistema sa pag-audit sa mga gastos ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, dapat gawing simple ng COA ang kanilang proseso dahil kung minsan ay nagiging dahilan ng delay sa mga proyekto ang paghihigpit ng ahensiya.

“I’d like to talk to COA. I’d like to put myself maybe not kneeling down but pleading, ‘Sir…’Marami naman kasing nako-convict or disallowance na — Article in relation to Circular — plus the another circular then you come up with a wrongdoing and disallowance. So can’t you make it simple and for us to move? Hindi kasi pwede ‘yang ganun eh. The delay is really in the — the gridlock is the — the monkey wrench if you may, nandiyan dito sa baba,” ayon sa Pangulo.

Nais din ng Pangulo na alisin na ang bidding system sa mga ginagawang proyekto dahil pinagmumulan ito ng korupsyon at subukan ang Swiss Challenge sa mga proyekto ng gobyerno para mabawasan ang katiwalian sa gobyerno.

“You really want corruption stopped? I-Swiss challenge mo na lang. I-shortcut mo ‘yung procedure. Bidding at — walang katapusan ang corruption. Ang COA should realize it by now because it has been happening since the birth of this Republic. Ayaw lang natin tingnan eh. Because COA is the simplest way of maybe sabihin mo avoiding corruption. Marami pang paraan. If I were you, I will just suggest… You can do it — you amend the Constitution, change it altogether if you want,” wika ng Pangulo.

Magugunitang nadismaya ang Pangulo sa COA dahil naaantala ang mga proyektong dapat napakikinabangan na ng mga Filipino at nagbanta ito na ihuhulog sa hagdan sa kapitolyo sa Ilocos ang kinatawan ng COA noong kasagsagan ng isang malakas na bagyo na pumasok sa bansa noong nakalipas na taon.

Nakatatanggap din ang Pangulo ng mga sumbong na maraming taga-gobyerno ang nakakasuhan ng COA dahil sa teknikalidad sa paggamit sa pondo ng gobyerno o iniisyuhan ng notice of disallowances.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 ‘GO SIGNAL’ SA CHINA SA EZZ INUPAKAN SA KAMARA

ezz331

(NI BERNARD TAGUINOD)

“PAGTRAYDOR na iyan sa bayan.”

Ito ang reaksyon ng ilang mambabatas sa Kamara matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi  niya ipagbabawal ang pangingisda ng mga Chinese sa Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas dahil hindi umano papayag ang China na isang kaibigan.

Ayon kina Akbayan party-list Rep. Tom Villarin at Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, kulang na lamang na aminin ni Duterte na naibenta na ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil imbes na idepensa ang soberenya ay pinapayagan nito ang China na mangisda upang hindi magalit ang nasabing bansa.

“Hindi po tama na isuko ang ating EEZ sa China kahit Presidente siya dahil para sa ating salinlahi iyan at hindi pagmamay-ari ng sinumang nakaupong Pangulo. Pagtatraydor sa bayan ang pagpayag na iyan,” ani Villarin.

Una rito, sinabi ni Duterte na wala itong balak na ipagbawal ang pangingisda ng mga Chinese sa loob ng EEZ ng Pilipinas dahil hindi papayag dito ang China na kaibigan ng Pilipinas.

Dahil dito, hindi maiwasan ni Casilao isipin na tuluyang naibenta o naisangla ni Duterte ang WPS kasama na ang Recto Bank na mayaman sa langis at gas, kapalit ng mga pondong inuutang nito sa nasabing bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 NASA BANGKOK PARA SA ASEAN SUMMIT

duterte100

(NI CHRISTIAN DALE)

KASALUKUYAN nang nasa Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama ang kanyang delegasyon, para dumalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Inaasahang tatalakayin ng Chief Executive sa mga kapwa ASEAN leader ang mga paraan upang mapalalim pa ang kooperasyon at mapanatili ang katatagan ng pag-unlad sa rehiyong Asya.

Ihahayag din ni Pangulong Duterte sa mga nakatakdang pulong ang mga isyung nakaaapekto sa seguridad at katatagan at pag-unlad ng Southeast Asia at ng buong Asia Pacific Region, kabilang na ang mga bagong development sa South China Sea, ang nagaganap na trade war sa pagitan ng China at Amerika, terorismo, violent extremism, climate change, transnational crimes pati na ang trafficking ng illegal drugs.

Sa kabilang dako, inaasahan namang magkakaroon ng bilateral meetings si Pangulong Duterte sa ilang ASEAN leader sa sidelines ng summit, kabilang na dito si Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha na inaasahang lalong magpapatatag sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinasabing, ngayong taon ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, kabilang din sa magiging schedule ng Punong Ehekutibo ang pakikipagkita sa top business leaders ng Thailand kung saan hihikayatin niya ang mga ito na maglagak ng puhunan at negosyo sa Pilipinas.

Please follow and like us:
Read More

DU30 SA REBELDE: KAYA KONG IBIGAY ANG HINIHINGI NYO

duterte-30

(NI BETH JULIAN)

SA makailang beses nang pagkakataon, muling nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang makipag usap sa rebeldeng grupo.

Sa talumpati ng Pangulo sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Vicente Lucban, Catbalogan, Samar, sinabi nito na walang problema sa kanya ang makipag-usap kung kaya na itong pangatawanan ng mga rebeldeng grupo.

Ayon sa Pangulo, kailangan lamang ay magbaba ng mga armas ang mga rebelde at bumalik sa negotiating table.

Dito ay ipinangako ng Pangulo na kaya niyang ibigay sa mga rebeldeng grupo ang 1/3 ng kanilang mga demands o hinihingi.

Sinabi ng Pangulo na kahit ang pera ng bayan ay maaari niyang hatiin para makatikim nang maayos na pamumuhay ang mga rebeldeng komunista.

Aminado pa ang Pangulo na masakit para sa kanya na gamitin ang pera para ipambili lamang ng baril at bala dahil kapwa Filipino rin ang napapatay sa mga operasyon.

Matatandaan na Marso 2019 nang i-anunsyo ni Pangulong Duterte ang permanenteng termination nito sa peacetalks sa mga rebeldeng grupo.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 BUSAL SA BIBIG NG US, CHINA — CPP

us china12

(NI MAC CABREROS)

DISMAYADO ang makakaliwang grupo sa tila walang malinaw at konkretong panindigan ang administrasyong Duterte sa June 9 Recto Bank incident.

“(President) Duterte has displayed utter spinelessness before China,” diin sa statement ng Information Bureau ng Communist Party of the Phippines.

Ayon dito, tila hindi magawa ng Punong Ehekutibo na ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea dahil takot ito na mawala ang mga milyong dolyar na kaloob ng China.

Dagdag dito na bukod sa walang karapatang mangisda ang mga Tsino sa lugar na teritoryo ng Pilipinas ay malinaw sa mga ulat na ‘hit and run’ ang pangyayari.

Tila hawak sa leeg ng United States si Pangulong Duterte dahil sa pahayag ng una na may posibleng military intervention alinsunod sa probisyon ng nilagdaang Mutual Defense Treaty.

“At the same time, Duterte is muted and tame amid US noise and threats of military intervention,” dugtong ng CPP statement.

Binanggit ang planong pag-deploy sa USS Stratton upang tulungan ang Pilipinas para maipagtanggol ang exclusive economic zone nito.

Please follow and like us:
Read More