OFWs SA MIDDLE EAST PINABABANTAYAN

(NI NOEL ABUEL) HINDI dapat ituon lamang ng gobyerno ang contingency plan nito para mailikas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Iran at Iraq kung patuloy na lumala ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Ito ang sinabi ngayon ni Senador Imee Marcos sa harap ng banta ng Iran na gagantihan nito ang Amerika at mga kaalyado nitong bansa sa Middle East bunsod ng pagkakapatay sa top military leader nito na si Qasem Soleimani sa isinagawang US air strike noong Biyernes sa Baghdad, Iraq. “Hindi…

Read More

TAX-FREE OVERTIME PAY IGINIIT SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINUHAY ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panukala nito na gawing tax- free ang overtime pay ng mga government at private sector workers. Sa panukala ni Recto, nais nitong amyendahan ang tax code upang maisama sa mga tax-exempt items ang overtime pay. Aminado ang mambabatas na magdudulot ito ng kabawasan sa kita ng gobyerno subalit mas maraming income naman anya ang matatanggap ng mga manggagawa na kinalaunan ay gagamitin nila sa panggastos. “This, in turn, would trigger demand for more goods and services thereby stimulate…

Read More

DOH DOBLE-INGAT SA MISTERYOSONG SAKIT

DOBLENG pag-iingat ang ginagawa ng Department of Health laban sa mga biyahero mula China kung saan isang sakit na misteryoso pa ang pinagmulan – na may sintomas ng pneumonia – ang tumama sa halos 60 katao. Gumagamit ang health officers sa airport ng thermal scanners sa mga pasaherong galing ng China, na kailangng sumailalim sa physical examination at quarantine kung may sinat, ubo at sipon ang mga ito, ayon kay DOH spokesperson at Undersecretary Eric Domingo. “Medyo doble-ingat lang naman po tayo. Basta po galing China, mas tutok lang ang…

Read More

5.4 LINDOL YUMANIG SA DAVAO ORIENTAL

NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang southern province ng Davao Oriental, madaling araw ng Lunes kung saan inaasahan ang aftershocks, ayon sa Phivolcs. Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig 72 kilometers southeast ng Governor Generoso town, ayon pa sa Phivolcs. May lalim na 50 kilometers, ang lindol ay naramdaman na ‘parang may nagdaan na mga truck’, ayon kay Governor Generoso. Habang inaasahan ang aftershocks, hindi naman ito makalilikha ng pinsala. Noong Disyembre, niyanig ng 6.9 magnitude quake ang katabing Davao del Sur na ikinasawi ng 11 katao…

Read More

PAGTAKAS NG MGA AMPATUAN POSIBLE – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinaisantabi ni Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang posibilidad na tatakas ang mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre lalo na si Zaldy Ampatuan. Ginawa ni Mangudadatu ang pangamba matapos muling hilingin ni Zaldy sa Korte na payagan siyang sumailalim sa therapy, rehabilitation at medication matapos umano itong ma-stroke. Sinabi ng kongresista na hindi siya tutol sa pagpapagamot ni Zaldy subalit kailangang mag-ingat umano ang Korte dahil kapag nakatakas umano ito ay mahirap na itong mahuli. “My 10-year court battle with this family showed me how devious and…

Read More

WSC 2020 MAY TRIBUTE KAY RAY ALEXANDER

(NI DENNIS IÑIGO) MAGSISIMULA na naman ang pinakaaabangang “Olympics of Sabong” o World Slasher Cup 2020 ngayong buwan. Ang taunang 9-cock invitational international derby ay papagaspas sa Enero 20 hanggang 26 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum, bagong rebranded na Araneta City sa QC. Sa taong ito, maliban sa tagisan ng mga pinakamahuhusay na local at international fowl fighters at cockers sa ruweba, bibigyan din ng tribute ang kinikilalang legendary gamefowl breeder na si Ray Alexander. Si Alexander na namayapa noong Hulyo 2019 sa edad na 82 ay isa sa nagpasimula…

Read More

113 EKTARYANG KAGUBATAN MASISIRA SA KALIWA DAM

kaliwa dam33

(NI BERNARD TAGUINOD) TINATAYANG aabot sa 113 ektaryang kagubatan ang masisira sa sandaling ituloy ng gobyerno ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam na popondohan ng China sa halagang P12.5 Billion. Ito ang napag-alaman sa Bayan Muna party-list group sa Kamara na mahalaga sa kalikasan lalo ngayong lumalala ang climate change, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. “The construction of the Kaliwa Low Dam will destroy 113 hectares of forest reserves within the already critical Kaliwa Watershed,” ayon kina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Eufemia Cullamat. Hindi pa…

Read More

GIIT SA KAMARA: DH SA ABROAD HANGGANG 2025 NA LANG

(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGARAP ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi na magpapadala ang Pilipinas ng mga unskilled workers sa ibang bansa dahil naabuso ang mga ito lalo na ang mga House Service Workers (HSW) o Kasambahay. Sa isang panayam kay House labor committee chairman Eric Pineda, isiniwalat nito na may plano ang gobyerno na sa loob ng 5 taon ay ititigil na ang pagpapadala ng HSWs. “I think we have a plan that after 5 years (na hindi na magpapadala ng HSWs),” ani Pineda subalit hindi nito nagbigay ng…

Read More

MAINE AT ARJO NAMBULABOG NG NETIZENS

(NI JERRY OLEA) NABULABOG  ang netizens sa pagta-Tala Challenge ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Twitter. Wish ko lang na mainit pa rin ang suporta ng fans ni Maine. Disappointing kasi ang box office results ng recent movies niya na Isa Pa, With Feelings at Mission Unstapabol: The Don Identity. OK lang ba iyon kay Maine, basta maligaya siya sa piling ni Arjo? Kaya niyang harapin maging ang pagiging Bituing Walang Ningning, o ang Bukas, Luluhod Ang Mga Tala Challenge.

Read More