4.6 MAGNITUDE LINDOL YUMANIG SA MAGSAYSAY, DAVAO DEL SUR

earthquake12

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG 4.6 magnitude quake ang tumama sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur, dalawang araw matapos ang 6.9 magnitude na pagyanig sa kalapit na bayan na Matanao, Davao del Sur kung saan 7 ang nasawi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs), alas 2:07 ng hapon naramdaman ang lindol na may lalim na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

May kalakasan ang naramdamang lindol kung saan naitala ang Intensity 5 sa Hagonoy, Davao del Sur; Intensity 4 sa Davao City at Intensity 3 sa Kidapawan City.

Wala namang inaasahang pinsala at walang aftershocks sa nasabing pagyanig.

Ang nasabing lindol ay hindi umano konektado sa naganap na 6.9 magnitude quake bagkus ay hiwalay ito.

 

Read More

ASSESSMENT SA IMPRASTRUKTURA, IGINIIT 

lindol22

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INIREKOMENDA ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na magsagawa ang gobyerno ng assessment sa lahat ng imprastraktura upang matukoy kung ligtas ang mga gusali sa pagyanig.

Kasunod ito ng dalawang lindol na tumama sa Mindanao sa nakalipas na tatlong linggo.

Sa rekomendasyon ng senador, iginiit nito na dapat atasan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katuwang ang Phivolcs, DILG at mga lokal na pamahalaan na pangunahan ang assessment.

Dapat din anyang alamin kung kinakailangang patatagin ang mga gusali bilang paghahanda sa lindol.

“National government should instruct the NDRRMC together with Phivolcs, DILG and the LGUs to do a thorough assessment of all the infrastructures within their localities to check if the buildings and homes are still safe for use and if they may still be strengthened for possible earthquakes in the future,” saad ni Zubiri.

Iginiit pa ng senador na ang lahat ng mga gusali na hindi na makatugon sa building code ay dapat nang abandonahin o ayusin.

Dapat din magkaroon ng malawakang Geo-mapping ng Geo-hazard areas na posibleng tamaan ng  landslides upang mabigyang babala ang mga komunidad na nasa danger zones.

“Implementation of this should be mandatory, as what government has done during the Boracay clean-up. We must take a more proactive stance so that little or no lives are lost during these times of natural calamities,” giit pa ni Zubiri.

 

Read More

PHIVOLCS NAGBABALA NG MAS MALAKAS NA LINDOL SA MINDANAO

earthquake121

(NI ABBY MENDOZA)

PINAGHAHANDA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa Mindanao sa posibilidad ng pagkakaroon ng mas malakas na lindol kasunod ng dalawang insidente ng lindol na tumama sa North Cotabato.

Noong Oktubre 16 ay tumama ang 6.3 magnitude quake sa Tulunan, North Cotabato na kumitil sa buhay ng anim  katao, isang  6.6 magnitude quake ang muling tumama sa nasabing bayan kung saan dalawa ang naiulat na nasawi.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, may posibilidad na may mas malakas pa na lindol ang yumanig sa rehiyon dahil na rin sa aktibong fault.

“Yung faults dyan ay may kakayahan na mas malaki sa magnitude 6.3 na pwede ipakawala, hindi po natin inaalis ‘yung posibilidad na may sumunod na mas malaki,” paliwanag ni Solidum.

Inamin ni Solidum na vertical at horizontal motion ang dapat na asahan sa lindol.

“‘Yung vertical motion initial lang po ‘yun, mas matagal po ‘yung horizontal. Kung malayo naman po sa episentro, hindi na nararamdaman ‘yung vertical, ‘yung horizontal po ang nararamdaman. ‘Yun po ‘yung damaging. Pagdating sa ating building code, ang kinokonsidera po sa design ay ‘yung horizontal shaking dahil ito ang mas malakas,” dagdag pa nito.

Sa talaan ng Phivolcs ay nakapagtala na ng 22 aftershocks kasunod ng naganap na lindol kung saan ang pinakamataas ay 6.6 magnitude habang ang pinakamahina ay magnitude 3.

 

Read More

DEPT. OF DISASTER NAPAPANAHON NANG ITATAG

lindol12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI na kailangang dumaan sa masusing pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatibay sa panukala na magkaroon ng Department of Disaster Resilience sa gitna ng sunod-sunod na paglindol.

Ginawa ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang nasabing pahayag matapos yanigin ng 6.6 magnitude na lindol ang Tulunan, North Cotabato, Martes ng umaga.

Ayon sa mambabatas, maaaring gamitin ng Kamara ang Rule 48 kung saan ang mga panukalang batas na naipasa na noong nakaraang Kongreso ay otomatiko ng aprubado.

“Madalas tumama ang malalakas na lindol sa amin sa Mindanao dahil maraming earthquake fault dito sa ilalim ng lupa at ilalim ng dagat. Ramdam namin ang matinding pangangailangan para sa isang Department of Disaster Resilience,” ani Fortun.

Bago ang lindol sa Tulunan, North Cotabato ay nagkaroon din pagyanig sa Davao del Sur at North Cotabato noong Oktubre 16 na ikinamatay ng 5 katao at pagkasugat ng maraming iba pa bukod sa pagkasira ng mga ari-arian at imprastraktura.

“Last July 13, Butuan and Agusan del Norte felt at Intensity V a magnitude 5.5 earthquake with epicenter in Carrascal, Surigao del Sur,” anang mambabtas kaya kailangan na umano ang nasabing departamento lalo na ang lindol ay walang nakakaalam kung kailan darating.

“Ang mga bagyo at El Niño kahit papaano napaghahandaan, pero ang lindol biglaan at gulatan kaya dapat laging handa,” ayon pa sa mambabatas at malaki umano ang maitutulong ng departamento sa paghahanda sa ganitong kalamidad kaya dapat na umanong itatag ito.

Dahil dito, dapat na aniyang ipasa ng Kamara ang nasabing panukala gamit ang Rule 48 upang magkaroon ng sapat na panahon ang Senado para simulan ang pagdinig sa kanilang bersyon dito matapos mabigo ang mga ito na maipasa ang nasabing panukala noong nakaraang Kongreso.

Sinabi naman ni House Speaker Allan Peter Cayetano na kabilang ang nasabing panukala top priority ng Kamara bukod sa Department of OFW department at Department of Water.

 

Read More

SUBSTANDARD NA GAMIT SA HIGH RISE BLDG IIMBESTIGAHAN

lindol12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINILING ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga ulat na gumamit umano ng mga substandard na materyales tulad ng bakal ang ilang high-rise building.

Ginawa nina Negros Occidental Rep. Albee Benitiz at Quezon City Rep. Winston Castelo ang kautusan sa Department of Trade and Industry (DT) at Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at  local government units (LGUs) matapos ang 6.1 magnitude na lindol sa Zambales kung saan naapektuhan ang Metro Manila.

“There should be a thorough evaluation of all high-rise buildings to ensure that these are structurally sound and are not at risk should a catastrophic earthquake hit us in the future,” ani Benitez, chair ng House committee on housing and urban development.

Ayon naman kay Castelo, kailangang kasuhan ang mga kontratista at may may-ari ng mga gusali na mapatutunayang gumamit ng mga substandard na bakal dahil inilalagay ng mga ito sa panganib ang buhay ng mga tao.

“We should seriously look on the use of substandard construction materials, especially steel products that were mislabeled,” ani Castelo, chair ng House committee on metro manila development.

“These products are a danger to life in our earthquake-prone country. In the event of a high magnitude earthquake, mislabeled and substandard steel materials can cause the foundations of buildings to crumble as they cannot withstand the pressure, and are not made for that type of building construction,” dagdag pa ni Castelo.

Ayon kay Engineer Roberto Cola, ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) tiniyak nito na dumaan sa pagsusuri ng DTI ang kalidad ng kanilang mga produktong bakal na ginagamit sa mga matataas na gusali.

Subalit ayon kay Benitez, kailangang tutukan ang mga produkto ng mg mga local steelmakers upang masiguro na pumasa ang ito sa international standard dahil dito nakasalalay ang tatag ng isang gusali pagdating ng lindol.

 

Read More

AFTERSHOCKS PATULOY NA NARARAMDAMAN

phivolcs

(NI JEDI PIA REYES)

NAKARARAMDAM pa rin ng aftershocks sa mga malalakas na lindol na naranasan sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Hanggang alas-8:00 ng Linggo ng umaga, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 883 aftershocks ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nuong Lunes. Mula sa nasabing bilang, 111 ang plotted habang 11 ang may intensity o naramdaman.

Nakapagtala rin ng aftershocks sa magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar na umabot na nitong Linggo ng 158 kung saan ay 33 ang plotted at anim ang naramdaman.

Aabot naman sa 481 ang aftershocks ang namonitor ng Phivolcs dahil sa malakas na lindol sa General Luna, Surigao del Norte. Nasa 173 ang plotted habang tatlo ang may intensity.

Samantala, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroon pa ring limang indibidwal na nawawala sa Region 3 matapos ang lindol sa Castillejos, Zambales.

Sa huling situational report ng NDRRMC, 3,632 pamilya o katumbas ng mahigit 17,410 na indibidwal ang apektado sa 41 barangay sa nasabing rehiyon.

Naitala rin ang 1,549 na bahay na napinsala sa Bataan at Pampanga habang mayruon pang 334 istruktura at gusali ang nasira sa Region 1, 3, National Capital Region at Calabarzon.

Nasa mahigit P505 milyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga eskuwelahan, kalsada at tulay sa Region 1, 3, Calabazon at NCR.

Read More

RELIGIOUS STRUCTURES IINSPEKSIYUNIN

rebulto12

(Ni FRANCIS SORIANO)

ITINUTURING  umanong wake-up call para sa mga opisyal ng simbahan ang magkakasunod na lindol na naitala sa bansa na dahilan ng pagkakaguho ng mga religious structures.

Ayon sa pastoral letter ni Archbishop Rolando Tria Tirona ng Archdiocese of Caceres, nanawagan ang arsobispo sa mga pari na ugaliing inspeksyunin ang mga simbahan upang matiyak ang pundasyon nito gayundin ang mga seminaryo at mga kumbento

Dahil kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga nagsisimba at maging pro-active sa pagbibigay seguridad sa mga simbahan gayundin sa paninidigan sa paglaban sa mga karahasan at mga natural na kalamidad.

Dahil dito ay plano ngayon ng simbahan na makipag-ugnayan sa mga professional groups, structural engineers at security experts, upang matiyak na ligtas ang mga istruktura at mapangalagaan ang cultural heritage tulad ng mga simbahan.

Nagpaabot din ito ng panalangin sa mga biktima ng nasabing kalamidad at trahedya sa pagpapasabog sa Sri Lanka

Dagdag pa nito na isang wake-up call sa mga pari at pastor ito upang maging alerto at mapagmatyag para matiyak ang kaligtasan ng mga mananampalataya lalo na tuwing may mga malalaking religious occasion.

 

Read More

MAHIGIT 200 AFTERSHOCKS NAITALA SA SURIGAO

earthquake121

(NI DAHLIA S. ANIN)

MATAPOS tumama ang isang 5.5 magnitude na lindol sa Surigao noong Biyernes ng hapon, nakapagtala na ang Phivolcs ng mahigit na 200 aftershocks.

Ayon sa Phivolcs, tatlo lamang mula sa 200 na ito ang naramdaman ng mga tao sa lugar.

Ang lindol ay nagmula sa paggalaw ng tectonic plates na may lalim na 11 kilometro. Ang sentro ng lindol ay naitala sa 70 kilometro TimogSilangan ng General Luna sa Siargao Group of Island at naganap ito ng ala-1:26 ng hapon.

Naramdaman din ang Intensity II na pagyanig sa Surigao City.

Nakapagtala rin ng mga instrumental intensities sa Gingoog City, Misamis Oriental at intensity I naman sa Surigao City, Surigao del Norte.

Wala namang naitalang pinsala dahil ang sentro ng lindol ay sa ilalim ng dagat.

Read More

KASO VS MAY-ARI NG CHUZON SUPERMARKET INIHAHANDA

CHUZON12

(NI NICK ECHEVARRIA)

GUMUGULONG na ang inihahandang kaso laban sa may-ari ng bumagsak na apat na palapag na Chuzon supermarket sa  Porac, Pampanga.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na kasalukuyan nang tinitipon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga gagamiting ebidensya at nangangalap ng mga statement mula sa mga nagrereklamo sa gumuhong supermarket.

Ayon pa kay Albayalde, bukod sa  negosyanteng si Samuel Chu, ang may-ari ng nabanggit na gusali, posibleng sampahan din ng kaso ang mga contractor at mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa lugar na nagbigay permiso sa konstruksiyon ng gumuhong istraktura.

Nauna nang sinabi ni Police  Regional Office (PRO) 3 Director P/BGen. Joel Coronel na hindi pa agad masasampahan ng kaso si Chu dahil kailangang  imbestigahan muna ang mga contractor ng Chuzon at ang mga opisyal ng building maintenance.

Ayon sa PNP chief, tatanggapin nilang lahat ang mga balidong reklamo ng mga gustong maghain ng kaso laban sa may-ari ng gumuhong establisimyento.

 

 

Read More