TAKBO SA KALIKASAN 2020: FIRE RUN PARA SA LGBTQ

TAKBO PARA SA KALIKASAN
0

UPANG maipagpatuloy ang adbokasiya ng mga pribadong sektor na mapanatiling malinis ang kapaligiran, aarangkada ang mga mananakbong may malasakit sa kalikasan sa Takbo sa Kalikasan 2020 na sisimulan sa Mayo 31.

Mayroong iba’t ibang yugto ang Takbo sa Kalikasan na magsisimula sa Fire Run, bilang pagsuporta sa LGBTQ sa Pebrero 16 sa CCP Complex, Pasay City.

Ayon sa isa sa mga opisyales ng event na si Jenny Lumba sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ 52nd edition, ang unang yugto ay paraan ng pasasalamat ng kanilang grupo sa LGBTQ community dahil sila ang pangunahing tumatangkilik sa Takbo sa Kalikasan.

Malaking tulong umano ang LGBTQ sa fun run, lalo sa pagpapalaganap ng mga programa na  gaya ng pride run at #lovewins advocacy.

“Patuloy po ang aming community outreach program, tulad noong nakaraang taon kung saan ang Green Media events team at ilang volunteers namin ay namahagi ng groceries, medicines at nagsagawa ng feeding programs sa charity home of joy for the sick children,” ayon kay Lumba.

Sisikapin din umano ng kanilang grupo na makapagpaabot ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Kaugnay nito, nanawagan si Lumba sa mga makikiisa sa fun run na magdala ng sarili nilang mga lalagyan ng tubig habang tumatakbo upang mabawasan ang pagtatapon ng plastic cups sa mga daraanang ruta.

Hinikayat naman ni Fritz Labastida, ang running ambasaddress at tinaguriang barefoot diva ng event,  ang mga kalahok sa 3k,5k,10k at 16k na panatilihing malakas at malusog ang kanilang pangangatawan.

“Marahil sa dami ko pong napapasayang mga tao at naging inspirasyon na ako ng mga runner dahil sa pagtakbo ko ng walang sapatos, dahil sa napakamahal ng mga branded shoes, ay pinagkatiwalaan na po ako ng event na ito para mapalaganap pa ang kanilang adbokasiya. Kaya inaanyayahan po namin kayo na lumahok at subukan ang malusog na ehersisyo na pagtakbo,” sabi ni Labastida.

Ang Takbo sa Kalikasan ay serye ng mga event kung saan nirerepresenta ang apat na elemento ng daigdig. Ang 2nd edition na gaganapin sa Hulyo 19 ay may temang Water Run, sa Setyembre 20 ang 3rd edition na Air Run, at ang 4th edition ay ang Earth Run sa Nobyembre 22.  (DENNIS INIGO)

Read More

ANTI-DISCRIMINATION ORDINANCE SA MARIKINA NILAGDAAN

antidiscrimination 12
0

(NI NICK ECHEVARRIA/PHOTO BY KIN LUCAS)

NILAGDAAN na ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang ordinansa na nagbabawal sa diskrimansyon sa hanay ng mga Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders (LGBT) sa idinaos na 2019 Metro Manila Pride March and Festival sa Sports Complex na lungsod, Sabado ng hapon.

Layunin ng nilagdaang City Ordinance No. 065  “Anti-Discrimination Ordinance of Marikina City” na bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga miyembro ng LGBT community sa lungsod.

Nakasaaad sa Section 6 na ordinansa ang pagbuo ng isang Anti-Discrimination Council na pangungunahan ng City Mayor kasama ang walong pangunahing opisyal ng lungsod bilang mga miyembro kung saan tatlo dito ang manggagaling sa sektor ng LGBT bilang mga kinatawan.

May katapat na parusang pagkabilanggo mula 60-araw hanggang isang taon at multang P1,000 hanggang P5,000 ang sinumang mapatutunayang lalabag sa nasabing oridnansa na naglalayong gawing isang criminal act ang diskriminasyon sa Marikina.

“Bilang pagpapakita ng aming suporta, sa araw na ito ay aking pipirmahan at ipapatupad ang Anti-Discrimination Ordinance na nagbibigay sa lahat ng pantay at parehong karapatan sa trabaho, edukasyon, tirahan, at mga serbisyo ng pamahalaan,” sabi ni Teodoro sa harap ng libu-libong dumalo at nagbunyi sa nasabing okasyon.

Binigyang diin  ng alkalde na walang sinuman sa basehan ng kasarian, pinanggalingan o pananampalataya ang maaring tanggihan o hindi tatanggapin, kasunod ang paniniwala  na sa pamamagitan ng ordinansa ay maii-institutionalize nila ang Sexual Orientation, Gender  Identity, and Expression (SOGIE) Equality  Bill.

Nanawagan din si Teodoro sa national at local government officials na suportahan ang pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Umabot sa halos 50,000 ang bilang na doble ng mga dumalo noong nakalipas na taon sa parehong okasyon, ayon sa pagtaya ni P/Col. Restituto Arcangel, hepe ng  Marikina Police Office.

 

Read More