SEGURIDAD SA MRT MAS HIHIGPITAN

mrt12

(NI KEVIN COLLANTES)

HIGIT pa umanong hihigpitan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ang ipinatutupad nilang seguridad sa istasyon ng kanilang mga tren.

Ito’y matapos ang pagkakaaresto sa isang pasahero nito na nakumpiskahan ng mga bala ng baril sa North Avenue Station sa Quezon City nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa DOTr, hindi nila ipinagwawalang-bahala ang ganitong mga kaganapan para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero at mga tauhan.

“The DOTr MRT-3 assures the public that the incident will not be taken lightly,” ayon naman sa DOTr-MRT3.

“……. strict security measures will continue to be implemented across MRT-3 trains and stations for the safety and security of passengers,” pagtiyak pa nito.

Matatandaang nitong Miyerkoles ay inaresto ng mga pulis sa southbound ng North Avenue Station si Don Ray Adina, 36, matapos na ma-detect ng baggage scanner, na may dala itong mga bala sa kanyang backpack.

Nang inspeksiyunin ang bag ng suspek ay nakumpiska ng mga guwardiya ang isang magazine at walong piraso ng 10mm live ammunitions.

Si Adina ay nasa kustodiya na ng Philippine National Police Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB) at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code o gun ban.

 

Please follow and like us:
Read More