DUMANAS ng second-degree burns sa kanyang mga paa ang isang lalaki sa nangyaring sunog sa isang industrial area sa Valenzela City.
Kinilala ang biktimang si Fidel Pantua, nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-11:23 noong Biyernes ng umaga nang itaas sa unang alarma ang sunog sa #2061 H. Delfin St., Purok 2, Mapulang Lupa, at umabot sa ikalawang alarma alas-11:51 ng umaga.
Idineklara ng BFP na under control ang sunog alas-1:46 ng hapon at fire-out dakong alas-2:08 ng hapon.
Inaalam pa kung magkano ang naging pinsala ng sunog at kung ano ang sanhi nito. (ALAIN AJERO)
216
