TARLAC CITY βMarami ang nagduda kung kayang magkampeon sa Ronda Pilipinas ng dating miyembro ng pambansang koponan at batang continental team na Go-for-Gold na si George Oconer.
Kabilang ngayon si Oconer sa Standard Insurance-Navy team, na asam mapanatili ang pagkapit sa individual, overall at team classification sa pagbabalik ng 2020 LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race ganap na alas-9 ngayong umaga para sa 111.9km Stage 6 na magsisimula sa kapitolyo at matatapos sa Tarlac Recreation Center.
Mula sa ikalawang puwesto ay umakyat si Oconer sa unahan ng general classification sa pagsalo sa record ng anim-katao puro miyembro ng Navy na magkakasabay na tumawid sa finish line at dinomina ang Stage 5 kamakalawa.
Sa kabila ng pangunguna ngayon sa race, ayaw ni Oconer, anak ng two-time Olympian na si Norberto, na magkumpiyansa. βMarami pang puwedeng mangyari sa natitirang limang stages, kaya ayoko na mag-celebrate agad. Gagawin ko lang ang makakaya ko na manalo.”
Tumapos na ikatlo sa pinakaunang edisyon ng karera noong 2011 at ikalawa noong 2015, alam ni Oconer na hindi pa tapos ang laban lalo’t wala ang pinakamahirap na yugto na Palayan-Baguio Stage 8. (Ann Encarnacion)
174 