12-TAON KULONG SA BABAENG GUILTY SA ‘BABY FOR SALE’ ONLINE – DOJ

HINATULANG guilty ng Quezon City Regional Trial Court Branch 99 ang isang babae matapos mapatunayang nagbenta ng 11-araw-gulang na sanggol online sa halagang ₱50,000.

Kinilala ng Department of Justice (DOJ) ang nahatulan na si Mary Grace y Dalayday, na umamin sa dalawang bilang ng paglabag sa Republic Act 7610 o ang batas laban sa child abuse, exploitation at discrimination.

Nag-ugat ang kaso sa pagbebenta umano ni Dalayday ng bagong silang na sanggol sa social media.

Dahil sa guilty plea, sinentensyahan ang babae ng anim na taong pagkakakulong sa bawat bilang ng kaso o kabuuang 12 taon.

Tiniyak naman ng prosekusyon na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine National Police – Women and Children Protection Center at Department of Social Welfare and Development upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng sanggol.

(JULIET PACOT)

19

Related posts

Leave a Comment