14 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA 3 CAMANAVA CITIES

NAKAPAGTALANG muli ng 14 namatay dahil sa COVID-19 ang Caloocan, Malabon at Navotas noong Abril 23, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Ayon sa ulat, sampu ang patay sa Caloocan City at 1,87 ang active cases. Pumalo na sa 24,750 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 22,172 na ang gumaling at 707 na ang namatay.

Tatlo naman ang namatay sa Navotas City at 798 ang active cases matapos na 181 ang gumaling at 32 ang nagpositibo sa virus.

Sumampa na sa 10,088 ang tinamaan ng COVID-19 sa siyudad at sa bilang na ito ay 8,974 na ang nakarekober at 316 na ang namatay.

Umakyat naman sa 385 ang COVID death toll ng Malabon City matapos na isang pasyente ang binawian ng buhay.

Umabot naman sa 111 ang nadagdag na confirmed cases at 11,753 ang positive cases sa lungsod. Nakapagtala naman ng 119 pasyente na gumaling at 10,750 na ang recovered patients.

Walang inilabas na update ang Valenzuela City ukol sa COVID-19 cases sa lungsod. (ALAIN AJERO)

125

Related posts

Leave a Comment