150 QUARRY TRUCKS BINARIKADA SA TOLL GATES NG NLEX

IBINALANDRA ng mga Pampanga quarry-based hauler ang 150 naglalakihang 12-wheeler at 14-wheeler dump trucks sa mga toll gate ng North Luzon Expressway (NLEx) bilang protesta sa ipinatutupad na truck ban sa mga overloaded na malalaking truck nitong Sabado ng umaga.

Ang barikada ay nagdulot ng mahigit isang oras na pagkaparalisa ng daloy ng trapiko.

Tinututulan ng grupo ang nasabing polisiya ng NLEX Corporation kung saan pansamantalang hindi pinadadaan ang mga quarry truck o dump truck sa loob ng nasabing expressway sanhi ng ongoing  major rehabilitation sa bahagi ng 5-kilometer Candaba Viaduct.

Nagsimula ang barikada bandang alas-6:00 ng umaga dahilan upang hindi umusad ang daloy ng trapiko sa bahagi ng mga toll gate ng San Simon, San Fernando, Mexico, Floridablanca, Porac, Angeles City, Dau, Mabiga at Sta Inez.

Dumating sa lugar si Pampanga Governor Dennis Pineda upang makipag-usap sa mga hauler at nakiusap na alisin na ang mga iniharang na truck at ipinangako na ipararating niya sa kinauukulan ang kanilang mga hinaing gayundin sa pamunuan ng NLEX.

Agad namang tumalima sa negosasyon ang mga truck owner at mga driver sa pakiusap ng gobernador at isa-isang inalis ang mga truck bandang alas-7:30 ng umaga.

Samantala, sa press statement ng pamunuan ng NLEX, tiniyak nito na anomang usapin ang nais ipaabot ng mga public motorist kaugnay sa legal load limits ay seryosong pag-uusapan at pamamahalaan.

Mababatid na nitong buwan ng nakaraang Agosto ay sinimulan ng NLEX ang rehabilitasyon ng 35-year-old Manila-bound carriageway ng Candaba Viaduct kung saan pansamantalang kinontrol ang pagpasok ng mga overloaded 12-wheeler dump trucks.

“Prior to the project’s implementation, the tollway company reached out to the Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), Toll Regulatory Board (TRB), Pampanga Governor Dennis Pineda’s office and the mayors of San Fernando City, Angeles City, Mabalacat City, San Simon, Apalit in Pampanga, Calumpit, Pulilan, Malolos City, and Guiguinto in Bulacan, the affected trucking groups, and the Pampanga Chamber of Commerce to highlight the urgency of repairing the Candaba Viaduct to assure its long-term viability as a vital road link between North and Central Luzon and Metro Manila,” pahayag ng NLEX.

“To assuage the concerns of the affected quarry-based truckers and haulers, dialogues are ongoing to demonstrate proper and compliant procedures for loading their trucks. The NLEX currently implements the load limits provisions of R.A. 8794 and the Joint DOTR-DPWH Implementing Rules and Regulations revised in 2012 which sets the maximum load limits for trucks nationwide,” base pa sa pahayag. (ELOISA SILVERIO)

275

Related posts

Leave a Comment