159 RESIDENTE NG MALOLOS TUMANGGAP NG LIBRENG LOTE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – May kabuuang 159 residente sa lungsod na ito ang tumanggap ng libreng lote na pagtatayuan ng kanilang bahay, mula sa lokal na pamahalaan katuwang ang Local Housing Board. sa isinagawang awarding of certificate noong Abril 10, 2026.

Pinangunahan ni Mayor Christian Natividad ang pamamahagi sa 159 na residente ng Sitio Tuklas, Barangay Mabolo, ng Certificate of Lot Allotment (CELA).

Ayon kay Natividad, matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, tuluyan nang naipagkaloob sa mga residente ang karapatan sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.

Ayon sa mga benepisyaryo, ang pagtanggap ng sertipiko ay hindi lamang simbolo ng pagmamay-ari, kundi isang panibagong yugto ng seguridad at pag-asa para sa kanilang pamilya.

Lubos na pasasalamat ang ipinadama ng mga residente ng Sitio Tuklas, na sa wakas ay natupad na ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling lupa.

Para sa marami, ito ay bunga ng pagtitiyaga at patunay ng malasakit ng lokal na pamahalaan sa kapakanan ng mamamayan.

Binigyan-diin ni Natividad ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling lupa bilang pundasyon ng matatag na kinabukasan. Hinikayat din niya ang mga residente na pangalagaan at paunlarin ang kanilang mga ari-arian bilang bahagi ng kolektibong pag-unlad ng komunidad.

Ayon sa Local Housing Board, 82 pa sa mga aplikante ang nag-aayos ng kanilang mga dokumento upang matanggap ang kanilang sertipiko.

Ang Tuklas Resettlement Site sa Malolos ang siyang magiging ‘sanktuwaryo’ o luklukan ng mga Malolenyong walang sariling bahay at umaasa sa kalinga ng gobyerno.

(ELOISA SILVERIO)

93

Related posts

Leave a Comment