17 HIGH POWERED FIREARMS ISINUKO NG MAGKATUNGGALING PAMILYA

Nasa labing-pitong malalakas na kalibre ng armas ang isinuko ng mga pamilyang Muslim na sangkot sa hidwaan ng mga angkan sa Maguindanao del Sur, ayon sa Philippine Army.

Iprinisenta ang malalakas na armas kay Brig. Gen. Edgar Catu, kumander ng Army’s 601st Infantry Brigade sa Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Catu, ang pagsuko ng mga armas ay nakabawas sa banta ng karahasan tuwing nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga pamilya sa Mamasapano.

Isinuko ang mga armas kina Lt. Col. Edgardo Batinay, kumander ng Army’s 34th Infantry Battalion, at Lt. Col. Erwin Felongco, kumander ng 38th Infantry Battalion.

Kabilang sa mga isinukong armas ang dalawang gawang-bahay na sniper rifles at dalawang 60mm mortar tubes.

Pinuri ni naman ni Mamasapano Mayor Butch Ampatuan ang kusang-loob na hakbang ng mga sibilyan sa pagsuko ng kanilang mga hindi lisensyadong baril.

“Dahil makatutulong ito upang mabawasan ang tensyon na dulot ng karahasan mula sa hidwaan ng mga pamilya sa Mamasapano,” ayon pa sa opisyal.

Ayon naman kay Maj. Gen. Vladimir Cagara, kumander ng Army’s 6th Infantry Division, ang kusang pagsuko ng mga hindi dokumentadong armas sa militar ay indikasyon ng kanilang kagustuhang wakasan ang karahasan sa kanilang mga komunidad.

“Sana mas marami pang baril mula sa mga hindi awtorisadong tao ang maisuko sa mga awtoridad ng militar sa Maguindanao del Sur,” aniya.

(JESSE RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment