18 TIMBOG SA PASUGALAN SA LAGUNA RESORT

LAGUNA – Umabot sa 18 katao ang naaresto sa pagsalakay ng mga awtoridad sa sugalan sa isang resort sa San Pablo City noong Huwebes ng madaling araw.

Batay sa report ng San Pablo City Police, dakong alas-3:20 ng madaling araw, isinagawa ng mga tauhan ng San Pablo PNP at mga operatiba ng RID4A-RSOU, ang operasyon sa Sandra Torres Resort sa Reverina Subdivision, Brgy. San Rafael na ginawang gambling place.

Kabilang sa mga arestado ang live-in partners na maintainer umano ng ilegal na pasugalan, 11 poker players at limang empleyado na nagsisilbing runners at servers.

Ayon sa caretaker ng resort, ang ilegal na sugalan ay pinatatakbo ng live-in partners na sina Jeffrey Austria, negosyante, at Shirley Eustaquio, parehong residente ng San Pablo City.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang P461,406 bet money, poker chips at mga baraha.

Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga nagsusugal ay nagmula pa sa Batangas at sa Metro Manila.

Sinabi ni P/Lt. Col. Joewie Lucas, hepe ng San Pablo City Police, nagkukunwaring guest sa resort ang mga suspek at saka nagtitipon-tipon sa isang hall na ginawang pasugalan.

Ikinustodiya ng San Pablo City Police ang mga arestado at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9287 o illegal gambling. (NILOU DEL CARMEN)

229

Related posts

Leave a Comment