DAVAO City – Umabot sa 19 mangingisda ang arestado ng Municipal Fishery Law Enforcement Team (MFLET) at Bantay-Dagat dahil sa ilegal na pangingisda sa coastline ng Brgy. Baon, sa bayan ng San Isidro, Davao Oriental, alas-4:00 ng hapon noong Linggo, Nobyembre 8.
Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga awtoridad ang mga mangingisdang sakay ng dilaw at bughaw na fishing vessel na may tatak na “FB JOVAN 1” habang nangingisda mga limang kilometro mula sa coastline gayong 15 kilometro ang pinahihintulutan sa pangingisda ayon sa nakasaad sa batas.
Kinilala ng Police Regional Office-XI ang kapitan ng fishing vessel na si Dionie Delfin Ngap, 32, may asawa at residente sa Purok Ilang-Ilang, sa Barangay Baon.
Kabilang din sa inaresto sina Vic Chris Bustamante Maghanoy, 31; Denny Dalagan Vallejos, 29; Rene Boy Canesio Onding, 32; Jimmy Ngap Delfin, 18; MiguelitoMontejo Marcos Jr., 21; Joel Caralos Bandala, 33; Alfredo Robella Guitones, 18; Miguelito Guillermo Marcos, 52; John Kenneth Cañonera Corpuz, 18; Antolito Suralta Morales, 18; Salmero Alison Ulasiman, 37; Ariel Dacillo Martinez, 33; Joshua Dacolo Cuneco, 19; Dave Bornes Hotahot, 27; Rommel Castardo Auza, 43; Joel Camacho Nuñez, 36; Edgard Tampus Ramirez, 46; Ruben Saladin, 22, at Cyrus Menzon Honrubia, 60, pawang mga residente sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.
Nakumpiska mula sa fishing vessel ng mga ang suspek fish net at 1,111 kilo ng tuna fish.
Kasalukuyan nang inihahanda ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 10654 laban sa mga suspek. (DONDON DINOY)
196
