MALAPIT nang mapasailalim ang mga foreign digital service provider gaya ng Netflix sa value added tax sa Pilipinas, pagtiyak ng Department of Finance (DoF).
Sinabi ni DOF Undersecretary Domini Velasquez na ang batas ay nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oktubre 2, 2024 upang maging ganap na batas.
“So (that’s an) additional revenue measure for us,” ang sinabi ni Velasquez, sa kanyang naging talumpati sa Management Association of the Philippines’ General Membership Meeting sa Taguig.
Subalit, nilinaw ni Velasques na hindi ito bagong buwis.
“It’s a way of leveling the playing field for your domestic providers with external providers such as your Netflix, your Amazon,”ang paliwanag ni Velasquez.
Ayon sa DOF, ang naturang batas ay nakikitang makalilikha ng P79.5 billion para sa gobyerno mula 2025 hanggang 2028.
Sa ilalim ng batas, “digital services delivered by non-resident digital service providers shall be considered performed or rendered in the Philippines if the digital services are consumed in the Philippines.”
Ang Online marketplaces o e-marketplaces ay may pananagutan na mag-remit ng value added tax sa mga transaksyon ng nonresident sellers na dumaan sa platforms nito sa ilalim ng ilang mga kondisyon.
Naglaan din ito ng 5% ng incremental revenues para sa development ng creative industries para sa limang taon matapos na maging ganap ang batas. (CHRISTIAN DALE)
215