2 BARKO NASUNOG SA NAVOTAS FISH PORT

DALAWANG barkong pangisda ang nasunog habang nakadaong sa Navotas Fish Port noong Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat, nagsimulang magliyab ang Buena Suerte J-56 at Buena Suerte Resia bago sumapit alas-6:00 ng gabi.

Bukod sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), tumulong din ang dalawang barko at limang tugboats ng Philippine Coast Guard sa pag-apula ng sunog.

Inabot ng halos pitong oras ang sunog at naapula dakong madaling-araw noong Martes.

Inaaalam pa ng BFP ang ugat ng sunog at kung magkano ang naging pinsala nito. (ALAIN AJERO)

228

Related posts

Leave a Comment