(Ni JOMAR OPERARIO)
Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang pekeng bogus brokers matapos na ireklamo ng pangingikil ng kalahating milyong piso ng isang negosyante kapalit ng paglabas ng shipments nito na nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Noong nakaraang Lunes (Mayo 20, 2019) nakatanggap ang Customs ng reklamo kaugnay sa sinasabing pangingikil ng dalawang katao ng umano’y kalahating milyong piso kapalit ng pag-release ng shipments na naka-consign sa SHACKA Guns and Ammo na nasa NAIA.
Dahil dito, agad nakipag-ugnayan ang Custos Intelligence Group (IG) sa National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit (SAU) para kunan ng sworn statements ang nagrereklamo.
Matapos na makapagbigay ng kanyang salaysay ang complainant ay nakatanggap ito ng mensahe mula sa mga suspek para sa gagawin nilang pag-uusap sa isang restaurant sa Quezon City.
Dito na ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment operation laban sa mga suspek.
Sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad, lumalabas na ang dalawang suspek ay hindi Customs officers sa halip bogus brokers na ang gawain ay mangikil ng pera sa mga stakehoders ng BOC.
Dahil dito, tiniyak ni Atty. Emeterio Ag Dongallo, Jr., chief ng NBI-SAU, na patuloy ang kanilang gagawing pagmamasid at pag-imbestiga sa iba pang personalidad na sangkot sa mga katiwalian tulad ng pangingikil.
“If any Customs officer is involved in this extortion, or any other illegal activities, we will make sure that they are prosecuted accordingly,” ayon kay Atty. Dongallo.
Sa panig naman ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, sinabi nitong, “We will not tolerate extortion and all forms of corruption in the Bureau. Let this serve as a warning to those officers who unlawfully hold shipments in order to blackmail legitimate businesses and individuals for money. The Bureau will do everything in its power to rid the organization of corruption.”
